NPA-Sorsogan propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 1): Panagutin ang pasistang AFP-PNP sa pagmasaker kay Andres “Ka Magno” Hubilla at tatlong iba pa
Ka Samuel Guerrero, Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
1 August 2017
Mariing kinokondena ng Celso Minguez Command ang pagmasaker kina Andres “ Ka Magno” Hubilla, pulang kadre ng CMC-BHB at Miguel “Ka Billy” Himor, pulang mandirigma at dalawa pang sibilyan.
Sina Ka Magno at Ka Billy ay pansamantalang nakahimpil sa Sityo Namoro, Brgy. Trece Martirez, Casiguran, Sorsogon, nang kubkubin ng mga elemento ng SPPSC (Sorsogon Police Public Safety Coy), MICO-PA, 31st IBPA at 22nd IBPA noong alas 5 ng umaga, Hulyo 28, 2017. Bago pa man niratrat ng putok ng kaaway ang kubong hinihimpilan nila, nakamaniobra palayo nang halos 200 metros si Ka Magno ngunit naiwan niya ang kanyang maiksing baril. Nasukol siya at nahuli nang walang tama ng bala. Nang makilala ng mga elemento ng Military Intellegence Company (MICO) ng Phil. Army si Ka Magno, siya ay sinalbeyds. Si Ka Billy, kasabay sina Arnel Borres at Dick Laura na mga mangingisda at residente ng Trece Martirez ay nahuling buhay sa kubo. Ayon sa mga residente na malapit sa lugar ng pinangyarihan, narinig pa nila ang sigaw ni Laura na humihingi ng saklolo. Sila ay sinalbeyds din upang wala nang maging saksi sa krimen ng pasistang kaaway.
Para pagtakpan ang kanilang krimen at masaker, pinalabas ng AFP-PNP na nagkaroon ng lehitimong engkwentro. Sinungaling pa ni Brig. Gen Trinidad, commanding officer ng 903rd Bde-PA, aabot diumano sa 30 kasapi ng BHB ang nakalaban nila. Pinag-interesan pa at itinago ng mga opisyal sa operasyon ang 2 maiksing baril ng mga kasama at pinalitan ng kalawanging kalibre .45 at revolver.
Malinaw na dapat panagutin ang mga elemento ng AFP at PNP na magkakumbinang nagmasaker kina Ka Magno. Nilabag nila ang internasyunal na makataong batas (IHL) at Comprehensive Agreement on the respect for human rights and international humanitarian law (CARHRIHL). Sina Ka Magno at Ka Billy ay dapat na itinuring na hors de kombat nang mahuling buhay ngunit wala nang kakayahang lumaban at sa ilalim ng IHL ay may karapatang mabuhay. Samantalang ang dalawang sibilyan naman na sa halip na iligtas at iiwas sa mga labanan sa pagitan ng AFP at BHB ay sadyang idinamay ng mga berdugong kaaway at walang-awang pinaslang.
Ipinapakita ng AFP-PNP sa pagmasaker nila kina Ka Magno na wala silang kaseryosohan sa pagpasok sa usapang kapayapaan at pagkakamit ng kapayapaang nakabatay sa katarungan. Ang patuloy na paglabag sa CARHRIHL ng reaksyunaryong gobyernong US-Duterte at kanyang armadong pwersa ay patunay din na hindi nito nirerespeto ang kasunduang ito na pinirmahan ng GRP at NDFP noong 1998 at isa sa batayan ng pagpapatuloy pa sana ng kasalukuyang usapang pangkapayapaan.
Sa pagbaling ng rehimeng US-Duterte sa lantarang paggamit ng pasismo at pandarahas laban sa mamamayan, lalo pang titindi ang kanilang mga paglabag sa karapatang-pantao at internasyunal na makataong batas. Kung gayon, lalong kailangang labanan ng mamamayang Sorsoganon ang ganitong hakbangin at ang papatinding pang-aabuso ng reaksyunaryong AFP at PNP.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.