Tuesday, April 25, 2017

Kampo ng Maute, pinostehan na ng military

From the Mindanao Examiner (Apr 25): Kampo ng Maute, pinostehan na ng military

Pormal ng inanunsyo ng militar ang pagkakabawi sa malaking bahagi ng bayan ng Piagapo sa lalawigan ng Lanao del Sur mula sa jihadist Maute group matapos ng ilang araw na sagupaan doon.

Nabawi rin ng mga tropa ang iba’t-ibang pampasabog, bala at mga armas, gayun rin ang mga bandila ng Islamic State na ginagamit ng Maute group. Sinabi ni Brig. Gen. Rolando Bautista, commander ng 1st Infantry Division, na maraming mga miyembro ng Maute ang nasawi sa sagupaan, kabilang ang isang Indonesian militant.

Naglagay na rin ang mga sundalo ng bandila ng bansa sa naturang lugar bilang simbolo ng pagkakabawi sa kampo na ginamit ng Maute. Ilang dosenang mga fox holes at bunkers ang natagpuan sa lugar. May mga sundalo na rindoon upang matiyak na hindi muling magagamit ng Maute ang kampo.

Sa kabila nito, sinabi ni Bautista na patuloy pa rin ang kanilang operasyon upang matunton ang mga nakatakas na jihadists. Libo-libong katao naman ang hanggang ngayon ay nasa iba’t-ibang evacuation center sa Piagapo.

Pinatututukan na rin ni Gov. Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang mga pangangailangan ng mga evacuees upang matulungan sila habang hindi pa nakakabalik sa kanilang mga lugar.

http://mindanaoexaminer.com/kampo-ng-maute-pinostehan-na-ng-militar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.