Tuesday, April 25, 2017

Armas, pampasabog nakuha sa bahay ng ‘Sayyaf’ parak

From the Mindanao Examiner (Apr 25): Armas, pampasabog nakuha sa bahay ng ‘Sayyaf’ parak

Nilusob ng pulisya ang bahay ng isang opisyal ng Philippine National Police sa Malaybalay City sa Bukidnon province matapos itong madakip kasama ang isang Abu Sayyaf sa bayan ng Clarin sa Bohol province.

Kinumpirma ng pulisya sa northern Mindanao ang naturang operasyon at sinabing covered ito ng search warrant at nabawi sa bahay ni Supt. Maria Christina Nobleza ang iba’t-ibang armas at pampasabog at mga kagamitan sa paggawa ng bomba.

Walang detalyeng ibinigay ang pulisya maliban lamang sa kumpirmasyon ng naturang operasyon sa Pine Hills Executive Homes sa Barangay Casisang. Galing umano sa Regional Trial Court-Branch 9 ng Malaybalay City ang search warrant.

Ayon naman sa ibang sources, isang lalaki at dalawang menor-de-edad na nasa bahay ni Nobleza ang inimbitahan sa kampo ng pulisya upang makunan ng pahayag ukol sa mga armas.

Nadakip kamakailan si Nobleza, na isang Balik-Islam, kasama si Reneer Lou Dungon, matapos nilang takas ang isang checkpoint habang tinatangkang iligtas ang mga Abu Sayyaf na pinaghahanap ng militar at pulisya sa Bohol.

http://mindanaoexaminer.com/armas-pampasabog-nakuha-sa-bahay-ng-sayyaf-parak/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.