Sunday, March 26, 2017

CPP/NPA-Abra: Bigo at walang saysay ang operasyong kombat ng AFP-PNP sa Abra!

New People's Army propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Mar 26): Bigo at walang saysay ang operasyong kombat ng AFP-PNP sa Abra! (Frustrated and futile combat operations of the AFP-PNP in Abra!)



Ka Diego Wadagan, Spokesperson
NPA-Abra (Agustin Begnalen Command)

26 March 2017

Bigo ang combat operation ng 24th IB-PRO Cor-Abra PNP. Pinatunayan na palso ang mga pahayag nila Lt. Col. Baluga at PD Tagum na nasukol na nila ang yunit ng NPA sa Malibcong. Mahigit dalawang linggo ang nakalipas walang ni isang NPA ang nasukol pero maraming insidente ng paglabag sa karapatang pantao ang naitala sa iba’t ibang bayan ng Abra dahil sa masaklaw na militarisasyon kabilang na ang pag-aresto, food blockade, pagpapahinto ng eskwela, pagbabawal na pumunta sa kaingin at gubat, panggigipit sa mga cause oriented group at maging sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Dahil sa kahihiyan at walang napalang combat operation naglabas muli ng gawa-gawang balita si Lt. Col. Baluga na di umano ay may nahuli silang isang amasona noong March 23. Inililinaw ng ABC-NPA Abra na walang ni isang NPA ang nahuli o nagsurender. Ang pagkabigo ng operasyong militar ay hindi mapagtatakpan sa pamamagitan ng mga hibang na saywar.

Dapat pagbayaran ni Lt. Col. Baluga at PD Tagum ang karahasan sa mamamayan ng Abra. Dapat magsagawa ng imbistigasyon ang mga institusyong nangangalaga sa karapatang pantao. Dapat magsilbing boses ng sambayanan ang mga taong media upang ipaalam sa madla ang tunay na mga kaganapan sa Malibcong at buong probinsya.

Nakikiisa ang Agustin Begnalen Command sa muling pagpapatuloy ng peacetalk at sa naunang pahayag ng pambansang command ng New People’s Army sa Unilateral Ceasefire bilang pagseryoso sa usapang pangkapayapaan. Ngunit habang nananalasa ang mga pwersang militar at pulis sa mga komunidad at kabundukan na saklaw ng rebolusyonaryong kapangyarihan mananatiling aktibong depensa ang moda ng lahat ng yunit sa ilalim ng Agustin Begnalen Command.

Mamamayan ng Abra manindigan, lumaban at biguin ang pasismo ng estado. Maramihang sumampa sa New People’s Army at lumahok sa makatarungang digmang bayan.
Palaganapin sa buong probinsya ang digmang bayan. Marapat lang na pagbayadin ang mga utak at pasimuno ng pagyurak sa karapatang pantao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng masa walang iba kundi ang armadong pakikibaka.


https://www.philippinerevolution.info/statements/20170326-bigo-at-walang-saysay-ang-operasyong-kombat-ng-afp-pnp-sa-abra

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.