From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Jan 26): AFP Chief hiniling sa NPA na tigilan na ang atrosidad
Hiniling ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Ańo sa National Democratic Front ng New People’s Army na tigilan na ang paglunsad ng mga atrosidad ng sa gayon ay maiwasan na magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga komunistang rebelde.
Ginawa ni General Año ang apela matapos akusahan ng NDFP negotiator Fidel Agcaoili ang militar dahil sa paglabag sa ipinatupad na unilateral ceasefire matapos magkasagupaan ang mga sundalo at rebeldeng NPA sa Makilala, North Cotobato.
Nagbanta pa si Agcaoili na aalisin ang napagkasunduang ceasefire matapos mapatay ang isang miyembro ng NPA.
Mariin namang itinanggi ni Ańo ang alegasyon, depense niya, rumesponde lamang ang mga sundalo sa naganap na kaguluhan.
Sinabihan pa ni Año ang NDFP na kontrolin ang NPA lalo na sa pagsasagawa nito ng mga kriminal na aktibidad gaya ng extortion at arson.
http://dwdd.com.ph/2017/01/26/afp-chief-hiniling-sa-npa-na-tigilan-na-ang-atrosidad/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.