Wednesday, January 25, 2017

DWDD: General Año, nag-alok ng Medal of Valor sa mga lalaban sa mga Bandidong Grupo

From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Jan 26): General Año, nag-alok ng Medal of Valor sa mga lalaban sa mga Bandidong Grupo

Camp Aguinaldo, Quezon City — Inanunsyo ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año sa mga sundalo na kung gusto nilang magkaroon ng Medal of Valor, kailangan nilang mag-volunteer sa pag-laban sa Abu Sayyaf at iba pang bandidong grupo.
Ang panawagan ni General Año ay para sa lahat ng sangay ng Sandatahang lakas ng Pilipinas sa buong bansa. Sinabi pa ni Ano na hindi nila hahayaang mamalagi dito sa Pilipinas ang mga bandidong grupo, aniya kailangang matanggal nila ang ‘ugat’ sa loob ng anim na buwan.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, na bago magtungo sa Western Mindanao Command, bumisita rin sa Western Command ang heneral at doon ay nabigyan siya ng briefing sa kanilang Campaign Plans na magiimplement sa Development Support and Security Plan “Kapayapaan” ng AFP.
 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.