Posted to DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Jan 30): PCSO, nag-bigay ng 1M donasyon sa Children of Military Heroes
Idinaan ng Armed Forces of the Philippines sa isang seremonya ang kanilang pasasalamat sa Philippine Charity Sweepstakes Office matapos nitong mag-donate ng isang milyong piso para sa educational assistance ng mga anak ng military heroes.
Ito ang siniguro ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo. Si AFP Chief of Staff General Eduardo Ańo mismo ang tatanggap ng cheke mula sa PCSO.
Nilinaw naman ni Colonel Arevalo na kada taon, umaabot ng apat na raang sundalo ang napapatay sa mga operasyon kung saan sa ilang pagkakataon, hindi na nakakapag-patuloy sa pag-aaral ang kanilang mga anak dahil sa kanila lamang umaasa ang mga ito.
Dahil sa naturang donasyon, matutulungan nito ang isang daan at pitongpu’t walong stipends ng AFP Educational Benefit System Office.
Isa lamang itong manipestasyon ng pagpapakita ng pasasalamat at pagpupugay ng AFP sa kanilang kasundaluhan na walang humpay na nagsasakripisyo upang makapag silibi sa bayan.
http://dwdd.com.ph/2017/01/30/pcso-nag-bigay-ng-1m-donasyon-sa-children-of-military-heroes/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.