From the Philippine Information Agency (Dec 17): DSWD, kinilala ang mga kapartner sa implementasyon ng Kalahi CIDSS sa Nueva Ecija
LUNGSOD NG CABANATUAN -- Binigyang pagkilala kamakailan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga kapartner nito sa implementasyon ng Kalahi-CIDSS National Community Driven Development Program o KC-NCDDP sa Nueva Ecija.
Ayon kay DSWD Regional Director Gemma Gabuya, layunin nitong pasalamatan ang mga katuwang na indibidwal, grupo, samaha’t mga lokalidad na malaki ang naiaambag sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Ito aniya ay magiging imposible kung hindi dahil sa kanilang pagpupursigi at pagtitiyagang dumalo sa mga regular na pagpupulong, paggawa ng project proposal, pagmomonitor sa proyekto, at marami pang iba.
Kabilang sa mga kinilala ay si General Mamerto Natividad Mayor Areli Grace Santos bilang Natatanging Municipal Inter-Agency Committee Chairperson gayundin si Quezon Mayor Mariano Noriel Joson bilang Natatanging Alkalde.
Nagwagi din bilang Best Barangay Local Chief Executive si Captain Narcissa Paraso ng Sto. Cristo at Best Civil Society Organization ang Samahan ng mga Senior Citizen na parehong mula sa bayan ng Quezon.
Itinanghal bilang Natatangi at Ehemplong Community Volunteer si Charo Ablao ng General Mamerto Natividad habang pumangalawa si Ariel Duque ng Quezon at pumangatlo si Leonor Directo ng Talugtug.
http://news.pia.gov.ph/article/view/1961450080650/dswd-kinilala-ang-mga-kapartner-sa-implementasyon-ng-kalahi-cidss-sa-nueva-ecija
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.