Luis Jalandoni
Chairperson
NDFP Negotiating Panel
Chairperson
NDFP Negotiating Panel
“Mabuhay ang rebolusyon! Mabuhay ang masa!”Ito ang mga kataga ni NPA Kumander Ka Parago habang pinauulanan siya ng bala ng kaaway.
Sumapi si Ka Leoncio Pitao, Kumander Parago, sa Bagong Hukbong Bayan (New People’s Army NPA) noong 1978 pagkatapos patayin ng tropa ng gubyerno ang kanyang ama sa Loreto, Agusan del Sur.
Namuhay siya sa hanay ng masang kanyang minahal at nagtanim sa kanilang mga puso ng punla ng rebolusyon. Nakilala at iginalang siya bilang tagapagtanggol ng mga inaapi at pinagsasamantalahan. “Tatay” o “Ka Ago”ang magiliw na tawag sa kanya ng masa sa Rehiyon ng Katimugang Mindanao (Southern Mindanao Region-SMR).
Naging bantog siya bilang mandirigmang gerilya at kumander na nanguna sa maraming mapangahas na taktikal na opensiba laban sa tropa ng kaaway ng reaksyunaryong rehimen ng Pilipinas na suportado ng imperyalismong US.
Kabilang sa kanyang bukod-tanging mga tagumpay ang magilas na reyd sa Davao Penal Colony noong Abril 2007. Nakumpiska ng mga kasama ang limang M16, 45 Carbine, 46 Shotgun at pitong .38 Caliber pistol. Ang taktikal na opensibang ito ay naisagawa sa loob lamang ng 20 minuto nang wala ni isang putok. Ang mga gwardya ay nagulat at nadisarmahan nang walang nasugatan ni isa sa kanila.
Noong Pebrero 1999 pinamunuan niya ang pag-aresto kay Army General Victor Obillo at Captain Alex Montealto. Nakipagtulungan si Ka Parago sa NDFP Negotiating Panel sa pag-ayos ng pagpapalaya sa kanila sa International Committee of the Red Cross at mga upisyales ng gubyerno na sina Senador Loren Legarda at Kalihim ng Hustisya at Myembro ng GRP Panel Silvestre H. Bello III noong Abril 1999. Sina Chief Legal Counsel Romeo T. Capulong at NDFP Consultant Sotero Llamas ay kasama rin sa pagpapalayang umani ng malawak na publisidad.
Sa kanyang paglaya, pinuri ni General Obillo si Kumander Parago sa makataong pagtrato nito sa panahon ng kanyang pagkabihag. Sa isang pagkakataon, kahit bawal uminom ng alak ang mga mandirigma ng NPA binigyan ni Ka Parago si Obillo ng alak dahil ito ay nanginginig sa ginaw ng kabundukan. Gayundin, pinuri ni Obillo ang kadalubhasaan sa kalupaan ni Ka Parago.
Inaresto si Ka Parago noong Nobyembre 1999. Kami ni Ka Coni Ledesma, Myembro ng NDFP Negotiating Panel ay nagkaroon ng pagkakataon na bisitahin siya sa Camp Aguinaldo. Kasama ang abugadong si Edre Olalia, nagdaos kami ng press conference sa loob ng bilangguan. Sa press conference at aming pag-uusap kanyang ipinahayag ang malalim niyang pagnanais na bumalik kanyang mahal na masa sa Mindanao. Siya ay pinalaya on recognizance kay Supreme Bishop ng Philippine Independent Church, Tomas A. Millamena noong Septyembre 2001. Ang pagpapalaya sa kanya ay bilang pagpapakita ng katapatang-loob para isulong ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP. Ang negosasyon ay malapit nang ganapin noon sa Oslo, kasama ang Royal Norwegian Government bilang upisyal na Third Party Facilitator.
Pagkalaya, nakasama niya muli ang kanyang mahal na masa sa Mindano at kanyang ginampanan ang natatanging tungkulin sa rebolusyonaryong pakikibaka. Sa harap ng papatinding atakeng militar ng kaaway laban sa mamamayan, pinangunahan ni Kumander Parago ang mga mapangahas at matagumpay na operasyon ng NPA. Lalong sumidhi ang poot at takot ng kaaway sa kanya.
Noong 2009, dinukot, ginahasa at pinaslang ng mga ahente ng gubyerno ang kanyang anak na si Rebelyn. Ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil niya ang paglaban sa kaaway. Sa kabila ng matinding galit sa kasuklam-suklam na panggagahasa at pagpaslang sa kanyang anak, siya ay nanindigan sa patakaran ng rebolusyonaryong kilusan sa makataong pagtrato sa mga bihag ng NPA at pagsasagawa ng ligtas at maayos na pagpapalaya sa mga bihag ng digma kung sila ay walang seryosong pananagutang kriminal laban sa mamamayan. Ngunit ang ilan sa mga ahente ng kaaway na tukoy sa panggagahasa at pagpaslang sa kanyang anak ay mapapailalim sa rebolusyonaryong hustisya.
Matagal-tagal na panahon nang alam ng mga kasama at masa na si Ka Parago ay maysakit na diabetes, hyperthyroidism, hepatitis at altapresyon at siya ay hirap nang maglakad. Siya ay inalok ng mga kasama na magpahinga at magpagamot sa labas ng kanyang erya ng kumand ngunit siya ay tumanggi. Mas nais niyang manatili at mamuhay sa piling ng masa.
Kasalukuyan siyang ginagamot ni Ka Kyle o Vanessa Limpag, isang medik, nang paulanan siya ng bala ng kaaway. Naitaas ni Ka Kyle ang kanyang mga kamay at sumigaw na siya ay isang medik ngunit siya ay pinagbabaril at kagyat na namatay.
Sa lantarang kabaliktaran ng makataong pagtrato ni Kumander Parago kay General Obillo, Capt. Montealto at iba pang bihag ng digma, ang mga tropa ni General Ano ay bigla na lamang pinagpapatay sina Kumander Parago at Vanessa Limpag. Si Gen. Ano at ang kanyang tropa ay dapat imbestigahan sa kanilang paglabag ng International Humanitarian Law, Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) sa kanilang pagpaslang kay Kumander Parago at Vanessa Limpag bilang mga hors de combat.
Ang mga yunit sa ilalim ni Gen. Ano, na kilala sa kanilang pagkakasangkot sa sapilitang pagkawala ni Jonas Burgos, ay dapat ding imbestigahan sa extrajudicial na pagpatay ng mga lider ng mamamayang indigena, pagsasara ng mga paaralan ng Lumad, at pagkakampo ng mga sundalo sa mga paaralan at iba pang pampublikong lugar.
Kasama ang National Democratic Front of the Philippines ng masa sa Mindanao at buong bansa, ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at mga organo ng kapangyarihang pulitikal sa pagdadalamhati sa kamatayan ng isang dakilang rebolusyonaryo, katangi-tanging NPA kumander, martir at bayani ng mamamayan, si Kasamang Leoncio Pitao, Kumander Parago. Ang ating pagdadalamhati ay ating magiging rebolusyonaryong katapangan.
Ang rebolusyonaryong diwa at pamana ni Kumander Parago ay buhay sa libu-libong mga rebolusyonaryong mandirigmang kanyang sinanay at mga rebolusyonaryong masa kung saang mga puso kanyang ipinunla ang rebolusyon. “Tatay”sa masang kanyang minahal at pinaglingkuran, ang kanyang walang-kamatayang diwa ay tanglaw na inspirasyon para sa rebolusyon at mamamayang Pilipino!
Mabuhay ang rebolusyonaryong diwa ni Kasamang Leoncio Pitao, Kumander Parago!
Mabuhay ang masa at ang Rebolusyong Pilipino!
Mabuhay ang CPP, NPA at NDFP!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
LUIS G. JALANDONI
MEMBER, NDFP NATIONAL EXECUTIVE COMMITTEE
http://www.philippinerevolution.net/statements/20150703_pulang-saludo-kay-ka-parago-na-nagmahal-sa-masa-at-rebolusyon

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.