Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2020): Panununog sa Opol at iba pang kasinungalingan
ANG BAYAN
JUNE 07, 2020
Nilinaw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Misamis Oriental na hindi sangkot ang Pulang hukbo sa ibinalitang panununog ng armadong tauhan sa apat na bahay at isang simbahan sa Barangay Limonda, Opol noong Mayo 28. Malaki ang posibilidad na ang panununog ay kagagawan ng 403rd IB na nagbalitang sumigaw pa diumano ng “Mabuhay ang NPA” ang mga salarin. Tanging ang mga sundalo ang nasa lugar sa panahong iyon.
Pinabulaanan naman ng BHB ng Northeastern Mindanao Region na nasawi sina Ka Maria Malaya at Ka Joaquin Jacinto, parehong tagapagsalita ng rebolusyonaryong kilusan, sa “serye ng labanan” noong Mayo 14-19. Pinalabas ng 401st IB na nasawi ng dalawang kasama, kasabay ng 18 pa, para pataasin ang makukuha nilang pabuya noong Mayo 28. Bago nito, inalok ni Duterte ng P2 milyon ang sinumang “makapagtuturo” ng mga “kumander” ng kilusan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/06/07/panununog-sa-opol-at-iba-pang-kasinungalingan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.