Sunday, June 7, 2020

CPP/Ang Bayan: AFP nagwaldas ng P25 milyon sa 1-araw na atake

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2020): AFP nagwaldas ng P25 milyon sa 1-araw na atake

ANG BAYAN
JUNE 07, 2020

Nagwaldas ng P25 mil­yon ang Armed Forces of the Phi­lip­pi­nes (AFP) mu­la sa pon­do ng ba­yan sa isi­na­ga­wa ni­tong pag-a­ta­ke noong Ma­yo 14 sa Sit­yo Ha­yon, Li­bas Sud, San Mi­gu­el, Su­ri­gao del Sur.

Sa isang araw na atake, walong bomba na tig-230 kilo ang ihinulog ng mga pandigmang eroplanong FA-50. Maliban dito ay inistraping ng kalibre .50 masinggan ang lugar, anim na beses na kinanyon at 24 ulit na binomba ng mga helikopter. Hindi bababa sa P22.4 milyon ang ginastos ng militar para rito. Aabot naman sa P2.5 milyon ang ginastos sa pagpapalipad ng mga helikopter at FA-50. Ti­na­tayang P20 milyon pa ang ginastos para sa sahod, pagkain, hazard pay ng may 600 sundalo at pulis.

Ang atake noong Mayo 14 ay bahagi ng 20-araw na operasyong kombat ng militar at pulis sa limang bayan sa hangganan ng Surigao del Sur at Agusan del Sur. Binomba nito ang isang himpilan ng BHB.

Binigyang pugay ng BHB-NEMR ang limang Pulang mandirigma na namatay sa matinding pang-aatake ng AFP. Kasabay nito, kinilala rin ng BHB sa rehiyon ang iba pang mga martir na nag-alay ng buhay sa nakaraang dalawang buwan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/06/07/afp-nagwaldas-ng-p25-milyon-sa-1-araw-na-atake/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.