Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2020): Komboy ng ICRC, ginipit ng militar
ANG BAYAN
JUNE 07, 2020
Pinahinto at arbitraryong idinetine ng mga elemento ng 9th Special Forces Company at pulis ang komboy ng International Committee of the Red Cross sa Lianga, Surigao del Sur noong Marso 29. Naiulat na lulan nito ang dalawang sugatang Pulang mandirigma na sina Jea Angeles Perez at Noel Dadang. Ang ginawang pagharang at pagdetine sa anumang sasakyan na may sagisag na pulang krus ay labag sa internasyunal na makataong batas.
Matapos ang interogasyon, ginwardyahan na ng militar ang komboy sa pagbyahe nito tungo sa isang pagamutan sa Tagum City. Kasalukuyan nang nagpapagamot ang dalawa sa nasabing lugar subalit bantay-sarado ng militar.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/06/07/komboy-ng-icrc-ginipit-ng-militar/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.