ANG BAYAN
JUNE 07, 2020
Hindi na nakagugulat ang “suspensyon” ni Rodrigo Duterte sa terminasyon ng Visiting Forces Agreement na pinirmahan niya noong Pebrero 14.
Noon pa man, batid nang hindi ito itutuloy. Nais lamang ni Duterte na dagdagan ng US ang pondo at armas na ibinibigay nito sa kanyang rehimen. Iniatras ito ni Duterte matapos pinayagan siya ng US na bumili ng bagong mga helikopter, misayl at iba pang kagamitang militar na nagkakahalaga ng P75 bilyon.
Ang pag-atras ng pagbabasura sa VFA ay karugtong sa kagysat na mga plano ng US na lalupang palakasin ang presensya nito sa South China Sea at gamitin ang Pilipinas bilang base ng operasyon. Ito ay sa harap ng papaigting na militarismo ng China at paghahanda ng US para sa gera.
Habang nakapokus ang maraming bansa sa pag-apula sa pandemyang Covid-19, abala naman ang US sa pagpapaigting sa presensya nito sa South China Sea sa nakaraang tatlong buwan. Noong Abril, dalawang beses itong nagpalayag ng malalaking warship sa karagatan. Regular din itong nagpapalipad ng mga jet fighter. Noong Mayo, nagsagawa ito ng pagsasanay militar, kasama ang mga tropa ng Australia, sa lugar.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/06/07/suspensyon-ng-terminasyon-ng-vfa-hindi-nakagugulat/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.