Sunday, June 7, 2020

CPP/Ang Bayan: 2 li­der ma­sa, bru­tal na pi­nas­lang sa Eas­tern Vi­sa­yas

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 7, 2020): 2 li­der ma­sa, bru­tal na pi­nas­lang sa Eas­tern Vi­sa­yas

ANG BAYAN
JUNE 07, 2020



Da­la­wang li­der ma­sa ang mag­ka­su­nod at bru­tal na pi­nas­lang ng mga ahen­te ng es­ta­do sa Eas­tern Vi­sa­yas noong Ma­yo. Pa­re­hong pi­nag­ban­ta­an at bi­nan­sa­gang mga kri­mi­nal at te­ro­ris­ta ng Na­tio­nal Task Force to End Local Com­mu­nist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga bik­ti­ma.

Noong Ma­yo 28, na­tag­pu­an ang bang­kay ni Car­li­to Ba­di­on (Ka Kar­lets), pam­ban­sang pang­ka­la­ha­tang ka­li­him ng Ka­li­pu­nan ng Da­ma­yang Ma­hi­hi­rap (Ka­da­may), sa Pag­sa­nga-an, River­si­de, Ormoc City, Ley­te. Di­nu­kot ng mga ar­ma­dong la­la­ki si Ba­di­on noong Ma­yo 26 at pi­na­ni­ni­wa­la­ang di­na­la sa Ba­ra­ngay Guin­ti­gui-an at doon ti­nortyur. Ayon sa mga nakakita sa ka­tawan, posibleng namatay ang biktima sa hampas ng kahoy sa ulo. Si Badion ay may kapansanan sa paa dahil sa polio.

Ki­la­la si Ba­di­on bi­lang li­der sa pa­ki­ki­ba­ka ng mga ma­ra­li­tang lun­sod, ka­bi­lang sa mga ba­ri­ka­dang ba­yan la­ban sa de­mo­li­syo­n, oku­pa­syon ng ti­wang­wang na mga pa­ba­hay at sa mga kam­pan­ya pa­ra sa pa­ba­hay. Na­ngu­na rin si­ya sa pag­ba­ti­kos sa Oplan Tok­hang at kontra-ma­ra­li­tang “ge­ra kontra-dro­ga” ni Du­ter­te.

Pinalabas ng mga pulis ang kaso bilang simpleng pagnanakaw at pag­paslang para pagtakpan ang pampulitikang motibo sa pagpatay sa kilalang lider masa

Noong Ma­yo 29, pi­nas­lang ng mga ele­men­to ng 43rd IB ang li­der mag­­sa­sa­ka na si Allan Agui­lan­do (Ma­no Boy), ta­ga­pa­ngu­lo ng Northern Sa­mar Small Far­mers Associa­ti­on, sa Ba­ra­ngay New Rizal, Ca­tar­man, Nor­thern Sa­mar. Bi­na­ril si­ya sa li­kod ng kan­yang u­lo. Tinaga rin ang kan­yang mukha.

Pi­na­mu­nu­an ni Agui­lan­do ang mga kam­pan­ya la­­ban sa mi­li­ta­ri­sa­syon at mag­ka­ka­su­nod na de­lub­yong na­na­la­sa sa pru­bin­sya. Na­ngu­na rin si­ya sa mar­tsa ng mga Sa­ma­reñong mag­sa­sa­ka tu­ngong May­ni­la no­ong 2016 at 2018 pa­ra pa­nagutin ang kapabayaan ng rehimen at ma­na­wa­gan ng ayu­da. Pa­ra ma­ka­kub­ra ng pa­bu­ya, pi­na­la­bas ng 43rd IB na li­der uma­no ng huk­bong ba­yan ang bik­ti­ma at na­ba­ril sa isang eng­kwentro.

Pag-aresto. Sa Las Navas, pi­ni­ri­ngan, gi­na­pos at ina­res­to ng mga ele­men­to ng 803rd IBde ang mag­sa­sa­kang si­na Car­los Ba­lu­yot, Alvi­no Luca­pa at isang me­nor-de-e­dad sa Ba­ra­ngay Log­ging noong Hun­yo 1. Si Ba­lu­yot ay li­der ng Alyan­sa san mga Pa­rag-u­ma Kontra-ka­gu­tom san Las Navas­non na ak­ti­bong bu­ma­ba­ti­kos sa mi­li­ta­ri­sa­syon sa ka­ni­lang ko­mu­ni­dad.

Sa Western Samar, dinakip ng mga sundalo ang mga magsasakang sina Cosme Cabangunay at kanyang mga anak na sina Jevie at Jason noong Mayo 27 sa Barangay Canvais, Motiong.

Sa­man­ta­la, di­nu­kot ng mga ele­men­to ng 85th IB ang mag­sa­sa­kang si­na Marvin Lo­te­ro at Wil­mar Ma­ri­nas sa Ba­ra­ngay Ma­bi­ni, Lo­pez, Quezon noong Hun­yo 2. Hin­di pa rin si­la na­ta­tag­pu­an hang­gang sa ka­sa­lu­ku­yan.

Lahat ng dinakip ay inakusahang kasapi ng hukbong bayan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/06/07/2-lider-masa-brutal-na-pinaslang-sa-eastern-visayas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.