Tuesday, April 7, 2020

CPP/Ang Bayan: Pambobomba ng AFP sa Bukidnon at Davao, tuluy-tuloy

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 7, 2020): Pambobomba ng AFP sa Bukidnon at Davao, tuluy-tuloy

Nag­lun­sad ng ser­ye ng pam­bo­bom­ba at pa­tu­loy ang na­ka­po­kus na mga open­si­bang mi­li­tar ng Armed Forces of the Phi­lip­pi­nes sa hang­ga­nan ng Bu­kid­non-Davao sa ka­bi­la ng ti­gil-pu­tu­kan sa pa­na­hon ng Covid-19. Ayon sa ulat ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB)-Bu­kid­non, wa­lang pa­tu­mang­gang nag­hu­log ng limang 230-ki­lo (o 500-libras) na bom­ba ang Phi­lip­pi­ne Air Force at 4th ID ma­la­pit sa da­la­wang ko­mu­ni­dad ng mga Lu­mad sa Ba­ra­ngay Man­da­hi­kan, Ca­bang­la­san noong Mar­so 27.

Tat­long bom­ba ang ini­hu­log da­kong alas-9 ng uma­ga, at da­la­wa pa da­kong alas-2 ng ha­pon. Nag­du­lot ito ng troma sa mga ba­ta at re­si­den­te sa ko­mu­ni­dad. Na­wa­sak sa pam­bo­bom­ba ang ka­pa­li­gi­ran na pa­ngu­na­hing pi­nag­ku­ku­nan ng mga Lu­mad ng ka­ni­lang pag­ka­in at ka­bu­ha­yan.

Ma­ta­pos ang da­la­wang araw, nagpakawala na­man ang mi­li­tar ng sam­pung rocket sa pa­re­hong ba­ra­ngay da­kong tang­ha­li. Nag­pa­ka­wa­la rin ng mga bala ang mga kan­yon na na­ka­pwesto sa ka­nug­nog na ba­ra­ngay sa Lo­re­to, Davao del Nor­te. Ma­ta­pos ang pam­bo­bom­ba, buong araw na nag­pa­li­pad ng erop­la­nong pang­sarbeylans na Cessna ang mi­li­tar sa er­ya, at nag­dep­loy ng dag­dag na ko­lum ng sun­da­lo pa­ra mag­sa­ga­wa ng mga ope­ra­syong kom­bat.

Sa­man­ta­la, nag­dep­loy din ng da­la­wang ko­lum at tat­long ar­mo­red fighting ve­hicle ang mi­li­tar sa Sit­yo Ta­pa­ya­non, Ba­ra­ngay Gu­pi­tan, Ka­pa­long, Davao del Nor­te. Noong Mar­so 24, si­na­la­kay ng mga ele­men­to ng 60th at 56th IB ang isang yu­nit ng BHB na na­ka­kam­po sa lu­gar. Pi­na­la­bas ng mi­li­tar na si­la ang ina­ta­ke ng BHB ka­hit pa ma­li­naw na nag­lu­lun­sad ang mga sun­da­lo ng mga operasyong kom­bat. Sa ka­tu­na­yan, ba­go pa man ang la­ba­nan ay nagpwes­to na ang mi­li­tar ng mga kan­yon pa­ra su­por­ta­han ang mga nag-oo­pe­ra­syon ni­tong tro­pa.

Ni­reyd din ng mi­li­tar ang kam­po ng BHB sa Little Ba­guio, San Fer­nan­do, Bu­kid­non noong Mar­so 29 da­kong alas-2 ng ma­da­ling araw.

Iniu­lat din ng mga re­si­den­te na nag­pa­pa­tu­loy ang mga ope­ra­syon mi­li­tar sa mga Ba­ra­ngay ng Ki­bongcog at Pob­lacion, San Fer­nan­do; Ba­ra­ngay Concepcion, Va­lencia; San­ta Fi­lo­me­na, Quezon; Ba­ra­ngay Bu­lo­nay at Ka­la­bu­gao, Impa­sug-ong; Ba­ra­ngay Bus­di, Ca­bu­raca­nan, Ma­na­log, Saint Pe­ter at Zam­boa­ngui­ta, Ma­lay­ba­lay City; at Ba­ra­ngay Pob­lacion, Ca­bang­la­san.
Nagpwes­to rin ang mga sun­da­lo ng da­la­wang kan­yon sa Sit­yo Nur­sery, Ba­ra­ngay Concepcion at isa pa sa Sit­yo Sa­lay­say sa Ba­ra­ngay San­ta Fi­lo­me­na.

Pa­tu­loy na nag­pa­pa­li­pad ng mga erop­la­nong pa­nik­tik at dro­ne ang mi­li­tar sa na­sa­bing mga er­ya mu­la pa noong hu­ling ling­go ng Mar­so.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/07/pambobomba-ng-afp-sa-bukidnon-at-davao-tuluy-tuloy/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.