Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 7, 2020): Ika-51 taong anibersaryo ng BHB, ipinagdiwang
Ipinagdiwang ng Bagong Hukbong Bayan ang ika-51 taong anibersaryo nito sa gitna ng krisis pangkalusugan na dulot ng Covid-19. Nagtipon ang mga Pulang mandirigma at mamamayan sa mga pansamantalang himpilan sa iba’t ibang lugar.
Dinaluhan ng higit 2,000 magsasaka ang pagdiriwang ng BHB-Central Negros (Leonardo Panaligan Command). Nagkaroon ng mga kultural na pagtatanghal ang BHB na kumilala sa dakilang ambag ng hukbong bayan sa isla. Ginunita nila ang mga naging biktima ng Oplan Sauron at walang habas na pagpaslang sa isla. Kasabay ng programa, naglunsad ang hukbong bayan ng klinikang bayan.
Nakasuot naman ng face mask ang mga Pulang mandirigma ng BHB-Negros (Apolinario Gatmaitan Command) sa inilunsad na pagtitipon. Ito ang kanilang simbolikong pakikiisa sa paglaban ng mamamayang Pilipino sa Covid-19. Nakasentro ang pagdiriwang sa pagbibigay kaalaman hinggil sa Covid-19 at tamang nutrisyon para makaiwas sa mga sakit. Inilunsad din ng BHB-Negros ang Ispading, librong naglalaman ng mga akda at sining ng rebolusyonaryong kilusan ng isla.
Higit 100 Pulang mandirigma at residente ng kalapit na mga baryo ang nagtipon sa isang larangan sa Bicol. Tampok sa programa ang mga sayaw, kanta at mensahe ng pakikiisa mula sa mga rebolusyonaryong organisasyon. Tema ng mga selebrasyon ang: “Biguin ang digmang panunupil ng rehimeng US-Duterte! Ibayong palakasin ang Bagong Hukbong Bayan at lahatang-panig na isulong ang digmang bayan!” Nilaman ng mga talumpati ng mga mandirigma ang pagharap ng hukbong bayan at mamamayan sa sakit na Covid-19 at paghahanda sa idudulot nitong krisis sa kanayunan.
Sa pahayag nito, nananawagan ang BHB-Bukidnon nang higit pang paglaban sa harap ng tuluy-tuloy na nakapokus na operasyong militar sa prubinsya. Noong nakaraang taon, nakapagtala ng 72 armadong aksyon ang BHB dito na nagresulta sa 152 napatay at 94 sugatang sundalo. Ayon kay Ka Dereka Magtanggol, lokal na tagapagsalita, simula 2018 ay umaabot na sa 84 bomba ang inihulog at 395 bala ng kanyon ang ginamit ng AFP sa mga kabunudukan ng prubinsya.
Naglabas rin ng kani-kanyang mga pahayag ang yunit ng BHB mula sa rehiyon ng Southern Tagalog, Panay, Bicol at ang mga prubinsya ng Kalinga, Abra at Mindoro.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/04/07/ika-51-taong-anibersaryo-ng-bhb-ipinagdiwang/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.