Tuesday, April 7, 2020

CPP/Ang Bayan: Dag­dag na aler­to at pag-ii­ngat, kai­la­ngan sa pa­na­hon ng ti­gil-pu­tu­kan

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 7, 2020): Dag­dag na aler­to at pag-ii­ngat, kai­la­ngan sa pa­na­hon ng ti­gil-pu­tu­kan

Na­na­wa­gan ang Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas (PKP) ng dag­dag na aler­to at pag-ii­ngat sa la­hat ng yu­nit ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB) sa pa­na­hon ng ti­gil-pu­tu­kan. Ito ay sa ha­rap ng wa­lang lu­bay na pang-aa­ta­ke ng mga yu­nit ng mi­li­tar at pu­lis sa iba’t ibang ba­ha­gi ng ban­sa. Isi­na­sa­ga­wa ang mga ata­keng ito sa ka­bi­la ng idineklarang ti­gil-pu­tu­kan ni Rod­ri­go Du­ter­te noong Mar­so. May bi­sa ang uni­la­te­ral na dek­la­ra­syon ng re­hi­men mu­la Mar­so 19 hang­gang Abril 15.

Na­na­na­wa­gan din ang Par­ti­do na hi­git pang pa­hig­pi­tin ng BHB ang li­him na pag­ki­los pa­ra ga­wing bu­lag at bi­ngi ang mga yu­nit ng AFP at pag­kaitan si­la ng pag­ka­ka­ta­ong sa­la­ka­yin ang huk­bong ba­yan. Ito ay pa­ra ma­big­yan ng pina­ka­ma­ra­ming pag­ka­ka­ta­on ang mga Pu­lang man­di­rig­ma na mag­sa­ga­wa ng ki­na­kai­la­ngang mga hak­bang pa­ra tu­lu­ngang mag­han­da ang ma­ma­ma­yan la­ban sa pag­ka­lat ng Covid-19. Ga­yun­pa­man, kai­la­ngang la­gi pa rin si­lang han­da na ipag­tang­gol ang sa­ri­li at ang ma­ma­ma­yan sa mga open­si­bang ope­ra­syon ng AFP.

Po­si­ti­bong tu­mu­gon ang Par­ti­do sa pa­na­wa­gan ng Uni­ted Na­ti­ons pa­ra sa isang pan­da­ig­di­gang ti­gil pu­tu­kan pa­ra itu­on ang pan­sin sa pag­la­ban sa pan­dem­yang Covid-19. Noong Mar­so 19, ina­ta­san ng Par­ti­do ang la­hat ng ku­mand at yu­nit ng huk­bong ba­yan at mi­li­syang ba­yan na iti­gil at iwa­san ang pag­lu­lun­sad ng mga open­si­bong ope­ra­syon la­ban sa mga yu­nit at tau­han ng AFP at PNP. Hi­ni­mok ni­to ang la­hat ng re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa na pa­tu­loy na itu­on ang ka­ni­lang pa­na­hon sa pag­lu­lun­sad ng mga mga kam­pan­ya sa ka­lu­su­gan at pag­bi­bi­gay ng lib­reng mga ser­bi­syong me­di­kal pa­ra pi­gi­lan ang pag­ka­lat ng Covid-19. Ta­ta­gal hang­gang Abril 15 ang ti­gil-pu­tu­kan ng BHB.

Ang PKP ang pi­na­kau­nang pwer­sang na­ki­ki­dig­ma na tu­mu­gon sa pa­na­wa­gan ng UN pa­ra sa ti­gil-pu­tu­kan. Pi­nu­ri ito ng UN at si­na­bi sa isang pa­ha­yag na ito ay “mag­si­sil­bing ha­lim­ba­wa sa buong mun­do.” Inia­nun­syo ng UN noong Abril 4 na po­si­ti­bong tu­mu­gon sa pa­na­wa­gan ang 11 pang ban­sa, ka­bi­lang ang reaksyunaryong estado ng Pilipi­nas.

Tu­luy-tu­loy na open­si­bang mi­li­tar

Hin­di la­mang ang sa­ri­ling ti­gil-pu­tu­kan, kun­di pa­ti ang sinang-ayunan ni­tong pan­da­ig­di­gang ti­gil-pu­tu­kan, ang ni­la­la­bag ng re­hi­men sa pag­lu­lun­sad ng mga ope­ra­syong mi­li­tar sa ha­rap ng pan­dem­yang Covid-19. Ni­lu­lus­tay ni­to ang pon­dong maaa­ri sa­nang ila­an sa pag­la­ban ng pan­dem­ya sa wa­lang lu­bay at ma­gas­tos na mga ope­ra­syong kom­bat, psy­war, dro­ne surveil­lance at pam­bo­bom­ba ni­to sa mga si­bil­yang ko­mu­ni­dad. Ba­se sa ini­syal na mga ulat na na­ti­pon ng Ang Ba­yan, tu­luy-tu­loy na nag­sa­sa­ga­wa ang AFP ng mga ope­ra­syon sa 80 bayan at syu­dad, sak­law ang 146 barangay sa na­ka­ra­ang da­la­wang ling­go.

Ilang araw ma­ta­pos mana­wa­gan si Duterte ng tigil-putukan, ipi­nag­ma­ya­bang ng 8th IB ang ini­lun­sad ni­tong reyd la­ban sa kam­po ng BHB sa Sit­yo Ben­dum, Ba­ra­ngay Bus­di, Ma­lay­ba­lay City, Bu­kid­non.

Sa Quezon, ina­ta­ke ng 85th IB noong Abril 1 ang isang yu­nit ng BHB sa Ba­ra­ngay Ila­yang Yu­ni, Mu­la­nay. Isa pang yu­nit ng huk­bong ba­yan ang ni­reyd ng mga sun­da­lo ng 59th IB sa Ba­ra­ngay Ma­bu­nga, Gu­maca noong Mar­so 31. Ayon sa BHB-Quezon, tu­luy-tu­loy ang ope­ra­syong kom­bat ng AFP sa 10 ba­yan ng prubinsya.

Ina­ta­ke din ng 80th IB ang isang yu­nit ng BHB na nag­sa­sa­ga­wa ng mi­syong me­di­kal sa Ba­ra­ngay Pu­ray, Rod­ri­guez, Rizal noong Mar­so 28. Pi­na­la­bas ng AFP na na­ngu­na ang BHB sa pag-a­ta­ke. Taliwas ito sa mismong spot report ng 2nd ID na sila ang nagsagawa ng combat patrol laban sa BHB.

Noong Abril 2, isa pang yunit ng huk­bong ba­yan ang ina­ta­ke ng 44th IB sa Ba­ra­ngay Ba­la­gon, Si­lay, Zam­boa­nga Si­bu­gay. Isang kam­po rin ng BHB ang ina­ta­ke ng pa­re­hong yu­nit sa Ba­ra­ngay Peña­ran­da, Ka­ba­sa­lan noong Mar­so 21.

Nag­du­du­lot ng pe­lig­ro at ma­tin­ding hi­rap ang mga ope­ra­syon ng mi­li­tar at pu­lis sa mga bar­yong kanilang inoo­ku­pa. Sa Samar, iniulat ng BHB ang pag-ooperasyon ng mga sun­da­lo na wa­lang ka­ram­pa­tang pag-ii­ngat na me­di­kal. Saklaw ng operasyon ang hindi bababa sa 15 bayan ng Northern, Eastern at Western Samar.

Ma­la­wa­kan din ang mga ope­ra­syon sa mga is­la ng Neg­ros at Min­do­ro, Davao Region, Zam­boang­a Peninsula ga­yun­din sa mga pru­bin­sya Sorsogon, Palawan, Ca­piz, Sultan Kudarat, Saranggani, Misamis Occident at Surigao de Sur. (Pa­ra sa ta­la­ha­na­yan, su­mang­gu­ni sa web­si­te ng PKP sa www.cpp.ph.)

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/04/07/dagdag-na-alerto-at-pag-iingat-kailangan-sa-panahon-ng-tigil-putukan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.