Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 7, 2020): Nasaan ang pera ng bayan?
Hindi lamang kulang, kundi sadyang limitado, ang ipinamamahaging P200-bilyong ayudang pinansyal ng rehimeng Duterte. Ito ang lumalabas sa unang bugso ng pamamahagi ng rehimen ng P5,000-P8,000 ayuda para ibsan ang gutom at hirap na dulot ng militaristang lockdown. Para magkasya ang badyet, nagtakda ang rehimeng Duterte sa lokal na mga gubyerno ng “kota” o kung ilang pamilya lamang ang makatatanggap ng ayuda.
Sa Valenzuela, limitado sa 95,000 pamilya ang mabibigyan ng ayuda. Mahigit kalahati (61%) lamang ito sa kabuuang 155,000 pamilyang nakatira sa syudad. Reklamo ng meyor dito kung paano itinakda ng DSWD ang mga benepisyaryo at kung paano mabubuhay ang 60,000 pamilyang hindi mabibigyan ng ayuda.
Sa ibang mga syudad sa National Capital Region (NCR), wala pa sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga pamilya ang mabibigyan ng ayuda. Sa Manila, 185,000 lamang ang naitalang bibigyan (43%) gayong nasa 435,237 ang mga pamilya rito. Sa Parañaque, 77,764 (o 49%) lamang sa 160,000 pamilyang nakatira rito ang mabibigyan.
Mas malala ang kalagayan sa mga prubinsya labas sa NCR. Nagkakandarapa ngayon ang mga lokal na upisyal na punan ang malaking kakulangan.
Giit nila, hindi dapat ang pinakamahihirap lamang ang binibigyan ng ayuda at kumpensasyon. Apektado ang lahat ng pamilya sa isang-buwang lockdown. Marami sa mga manggagawa at empleyado, regular man o kontraktwal, ang nawalan ng mapagkakakitaan at trabaho. Wala silang ibang mapagkukunan ng pondo labas sa subsidyo ng gubyerno.
Sa datos mismo ng rehimen, nasa P100 bilyon pa lamang ang naibigay sa DSWD noong Abril 3. Nasa P100 milyon din ang naibigay sa DOLE para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho; at P100 milyon sa DOH para sa ayudang medikal ng mga taong may iba’t ibang sakit. Binigyan naman ng P52 milyon ang DOST para sa paggawa ng mga testing kit. Samantala, kasinlaki ang ibinigay nito sa PNP (P52.3 milyon) sa di klarong dahilan. Kung pagsasamahin, mahigit kalahati na ito sa P275 bilyong ipinangako ni Duterte.
Mahigit dalawang linggo nang naghihintay ang mamayan ng nararapat na ayuda at kumpensasyon. Dumadami na ang nagugutom. Ikinagagalit nila ang mabagal na pamimigay lalupa’t ito ang ginawang dahilan ni Duterte para apurahin ang pagkuha niya ng emergency powers. Ibinubunton ni Duterte ang sisi sa mga lokal na upisyal at inaakusahan silang mga kurakot at makupad. Pero malinaw sa mamamayan na si Duterte mismo at ang kanyang Inter-agency Task Force na tinatauhan ng mga upisyal militar ang inutil at walang kakayahang itawid ang bansa sa krisis.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/04/07/nasaan-ang-pera-ng-bayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.