PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
FEBRUARY 16, 2020
Hungkag, inutil, walang saysay at pagsasayang lamang ng oras at salapi ng bayan ang paglalabas ng resolusyon ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Mindoro Oriental (MinOr) na magpatupad ng lokalisadong usapang pangkapayapaan sa NPA sa probinsya. Ang resolusyon ng PPOC ay inaprubahan ni Gobernador Humerlito Dolor nuong Pebrero 4, 2020. Agad naman itong pinuri ni Major General Arnulfo Burgos, pinuno ng 2nd Infantry Division na nakabase sa Tanay, Rizal sa paniniwalang may yunit ng NPA sa Mindoro ang papatol sa balaking ito ng PPOC ng MinOr. Wala silang ibang niloloko kundi mga sarili nila dahil malaon nang batid ng mamamayang Mindoreño at mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan na hindi kailanman papasok sa lokalisadong usapang pangkapayapaan ang NPA sa rehiyon at sa Mindoro Oriental.
Matagal na ring ipinahayag ng pamunuan ng Melito Glor Command (MGC) ng NPA sa rehiyon at ng Lucio de Guzman Command (LdGC) sa isla ng Mindoro, na tutol sila at kanilang itinatakwil ang anumang pag-uusap pangkapayapaan sa lokal na antas. Matatag ang kanilang paninidigan na anumang pag-uusap pangkapayapaan ay dapat sa pagitan ng mga otorisadong kinatawan ng NDFP at GRP sa pambansang antas. Naniniwala ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon na ang katangian at kompleksidad ng problema ng sambayanang Pilipino ay pambansa kaya dapat nireresolba din ito sa pambansang antas at hindi sa lokalidad.
Ang paglalabas ng resolusyon ng mga peace and order council mula antas rehiyon hanggang barangay para magpatupad ng lokalisadong usapang pangkapayapaan sa NPA ay bahagi at nilalaman ng Executive Order No. 70 ni Duterte na nagbuo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at nag-iinstitusyonalisa sa whole of nation approach to end local communist armed conflict sa balangkas ng Joint Campaign Plan-Kapanatagan (JCP-Kapanatagan). Isa ito sa maraming panggogoyo na ginagawa ng pasistang rehimeng US-Duterte sa taumbayan sa pamamagitan ng mga lokal na gubyerno para sa di umanong peace building and development.
Ang mga panawagan para sa lokalisadong usapang pangkapayapaan ay mga dati nang panis at niresiklong taktikang saywar ng AFP at PNP na matagal nang ginagamit ng reaksyunaryong estado para palabasing nagkakawatak-watak na ang rebolusyonaryong kilusan sa bansa, ihiwalay at palitawing ang pamunuan ng CPP-NPA-NDFP, kabilang ang Chief Political Consultant ng NDFP na si Joma Sison, ay wala nang kontrol sa ibaba. Wala itong pagkakaiba sa mga nilangaw at binasura na ng taumbayan na mga palabas at pakulo ng Department of National Defense/Armed Forces of the Philippines (DND-AFP) at Department of Interior and Local Government/Philippine National Police (DILG-PNP) kaugnay sa mga NPA surrenderees at deklarasyon ng mga local government units (lgu’s) bilang “persona-non-grata” sa CPP-NPA-NDFP.
Napatunayang mga peke, niresiklo at pinagkikitaan lang ng mga tiwaling opisyal ng AFP at PNP ang mga pakulong “npa surrenderees” tulad sa nangyari sa 9th Infantry Division sa Bikol na nabuko ng media na pineke at minanipula ang di umano’y larawan ng mga nagsisukong NPA sa Bikol. Samantala, napatunayan ding produkto ng intimidasyon at pananakot ng pasistang rehimeng US-Duterte ang mga resolusyon ng mga lgu’s sa rehiyon na nagdedeklara sa CPP-NPA-NDFP bilang “persona-non-grata”. Maraming lgu’s sa rehiyon ang nagpaabot sa National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) at nagpapaliwanag na hindi nila kagustuhan ang paglalabas ng resolusyon na nagdedeklara sa CPP-NPA-NDFP bilang persona-non-grata. Pinaliwanag nila na sila’y pinilit, tinakot at binantaan ng DILG na kakasuhan sila bilang tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan sakaling hindi sila maglalabas ng deklarasyon laban sa CPP-NPA-NDFP.
Nananawagan ang NDFP-ST sa lahat ng mga lokal na gubyerno sa rehiyon na huwag basta magpadalos-dalos at magpapadala sa mga kapritso at kagusutuhan ng pasistang rehimeng US-Duterte. Tandaan natin na mahigit dalawang taon na lamang ang nalalabi sa termino ni Duterte at maaari pang hindi niya matapos ang kanyang termino dahil sa pagkakaroon niya ng malubhang karadaman o di kaya’y mapatalsik siya sa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang popular na pag-aalsa ng bayan tulad sa nangyaring pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos nuong 1986 at Joseph Estrada nuong 2001.
Imbes na magsayang kayo ng oras at rekurso ng bayan sa walang saysay at kakwenta-kwentang lokalisadong usapang pangkapayapaan, mas ibaling ninyo ang panawagan sa gubyernong Duterte na ipagpatuloy nito ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa NDFP. Lumalawak at lumalakas ang panawagan ng taumbayan para sa muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Walang ibang nararapat na hakbang kundi ang suportahan ang panawagan ng taumbayan para sa ituloy ang negosasyon sa kapayapaan sa pambansang antas.
Ang pagtalikod ni Duterte sa usapang pangkapayapaan sa NDFP at pagtalunton sa madugong gyerang kontra insurehensya ay tiyak na mauuwi lamang sa kabiguan tulad ng pinagdaanan ng mga rehimeng nauna sa kanya. Nangangarap ng gising ang pasistang rehimeng US-Duterte na kaya niyang gapiin ang armadong pakikibaka ng sambayanang Pilipino sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines-MLM (CPP-MLM). Hanggat umiiral ang mga dahilan at ugat ng labis na kahirapan at pang-aapi sa sambayanang Pilipino, patuloy na lalawak at lalakas ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan hanggang sa maabot nito ang lakas para mapagpasyang maibagsak ang malakolonyal at malapyudal na sistema ng bansa at halinhan ito ng isang malaya, demokratiko at maunlad na Pilipinas.
Ang NDFP ay laging bukas sa usapang pangkapayapaan at handang pumasok sa mga kasunduan sa reaksyunaryong gubyerno alinsunod sa isinusulong nitong pambansa-demokratikong agenda at programa na pangunahing tumutugon sa kahilingan at kapakanan ng sambayanang Pilipino. Subalit laging handa din ang NDFP na paigtingin ang armadong pakikibaka para isulong ang pambansa demokratikong interes ng sambayanang Pilipino
Sa harap ng lubusang pagtalikod at kawalan ng sinseridad ng gubyernong Duterte na pumasok sa isang seryosong negosasyon sa NDFP, walang ibang dapat gawin ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayang Pilipino kundi ang lalong palawakin at paigtingin ang pakikidigmang gerilya sa buong kapuluan. Mag-ipon ng panibagong lakas sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga pakikibakang masa kapwa sa kanayunan at kalunsuran sa paraang armado at di-armado, hayag at lihim, ligal at iligal at mag-antay sa pakikipag-usap ng NDFP sa panibagong gubyernong papalit sa pasistang rehimeng US-Duterte bago o pagkatapos ng kanyang panunungkulan sa Hunyo 30, 2022. ###
https://cpp.ph/statement/on-mindoro-oriental-ppocs-plan-to-hold-localized-peace-talks-with-npa-mindoro/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.