Sunday, February 16, 2020

CPP/Ang Bayan: Sangtwaryo ng mga Lumad sinalakay ng mga paramilitar

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Sangtwaryo ng mga Lumad sinalakay ng mga paramilitar

ILANG ARAW MATAPOS i-utos ng Regional Peace and Order Council 11 ang pagpapasara ng UCCP Haran Center sa Davao City, sinalakay ito ng mga paramilitar noong Enero 25. Bitbit ang mga sundang, sinira ng mga kasapi ng Alamara, grupong paramilitar na hawak ng berdugong militar, ang mga pader at bakod ng Haran kung saan tumutuloy ang may 500 Lumad na bakwit. Napilitang lisanin ng mga bakwit ang kanilang lupang ninuno dulot ng matinding militarisasyon.

May 50 paramilitar ang umatake sa Haran. Ayon sa ulat, sapilitan nilang pinababalik ang mga nagbakwit sa kanilang mga komunidad sa Kapalong at Talaingod, Davao del Norte.

Dumating ang mga pulis sa lugar subalit tumanggi silang arestuhin ang mga kasapi ng Alamara. Sa halip ay pinigilan ang midya na pumasok sa loob ng bakuran.

Nanindigan naman ang mga lider Lumad na mananatili sa sangtwaryo hanggang matiyak nilang ligtas na ang kanilang mga komunidad.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/sangtwaryo-ng-mga-lumad-sinalakay-ng-mga-paramilitar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.