Sunday, February 16, 2020

CPP/Ang Bayan: Hustisya para kay Randy Malayao

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Hustisya para kay Randy Malayao

HUSTISYA ANG PANAWAGAN ng mga aktibista at kaanak ng konsultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Randy Felix Malayao, isang taon matapos siyang paslangin. Nagprotesta sila noong Enero 30 sa harap ng Camp Melchor dela Cruz ng 5th ID sa Gamu, Isabela.

Marahas na binuwag ng mga pwersa ng militar ang protesta. Para guluhin ang programa, nagpwesto rin ang militar ng trak at ambulansya sa gilid ng kalsada at walang tigil na bumusina.

Bago ang pagkilos, nag-alay ng misa ang grupo sa puntod ni Malayao sa San Pablo, Isabela.
Pinaslang si Malayao habang lulan ng bus sa Aritao, Nueva Vizcaya noong Enero 30, 2019.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/02/07/hustisya-para-kay-randy-malayao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.