KM-ILOCOS
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
FEBRUARY 16, 2020
Pulang saludo at pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng Kabataang Makabayan- Ilocos kina Kasamang Finela “Ka Ricky” Mejia, Julius “Ka Goyo” Marquez, at Enniabel “Ka Onor” Balunos para sa makabuluhang buhay na kanilang inialay sa dakilang mithiin ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan ng Ilocos at ng buong bansa. Pakikiramay at pasasalamat rin ang ipinaabot ng KM-Ilocos sa pamilya at mga kamag-anak ng tatlong kadre at pulang kumander ng NPA at mga dakilang martir ng sambayanan.
Kabaliktaran sa nais ipalabas ng mga pasista at mersenaryong tropa ng reaksyunaryong gobyerno na AFP Northern Luzon Command(NOLCOM), 81st IBPA, MICO, at PNP Sta. Lucia, Ilocos Sur, hindi masasayang ang buhay at panahong inialay ng tatlong martir ng sambayanan ng Ilocos. Ang kanilang dakilang sakripisyo ay tiyak na magpapaliyab pa sa nagngangalit na damdamin ng masang magsasaka at mga kabataan ng mga baryo at lugar na kanilang pinaglingkuran ng walang alinlangan.
Karumal-dumal na pamamaslang ang isinagawa ng pasistang kaaway sa tatlong mga kasama noong gabi ng Pebrero 13, 2020 sa isang bahay ng masa sa Brgy. Namatican, Sta. Lucia, Ilocos Sur. Tinadtad ng bala ang katawan ng tatlo habang isinasalaysay naman ng mga marka sa kanilang katawan na dumanas muna sila ng matinding hirap bago ang isinagawang pagpaslang sa kanila. Kabalintunaan ito ng iniuulat ng 81stIBPA at PNP Sta. Lucia na namatay umano ang tatlong kasama matapos ang 10-minutong enkwentro o labanan. Kung talagang nagkaroon ng labanan, bakit walang isang napinsalang tropa mula sa hanay ng AFP at PNP at bakit tinadtad ng bala ang kanilang mga katawan samantalang ipinagmamalaki ng mga pasita na mas lamang sila sa bilang at halos napalibutan ang buong bahay nang gabing iyon? Bakit hindi na lamang sila hinuli o inaresto? Malinaw na pagtatakip ito ng AFP at PNP sa malalang paglabag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas habang nais palabasin na ligal ang isang kunwang operasyon at palabasing nagkaroon ng maikling engkwentro. Sa katunayan, hanggang sa panahon ng pagkuha ng bangkay ng mga kasama sa punerarya ay nagtangka pa rin ang mga elemento ng AFP at PNP na gipitin ang mga pamilya at mga kaibigan ng tatlo sa pamamagitan ng paghingi ng mga hindi naman kinakailangang dokumento, harassment, at intimidasyon.
Kahalintulad ng napakaraming kaso ng pagpatay sa ilalim ng rehimeng US-Duterte sa ngalan ng kampanyang kontra-droga, malinaw na karagdagang bilang na naman sa malalang kaso ng extra-judicial killings(EJK) ang ginawang pagpaslang kina kasamang Ricky, Goyo, at Onor. Ang ginawang pagpatay sa kanila ay bahagi rin ng pangkabuuang hangarin ni Duterte na isemento ang kanyang paghahari sa pamamagitan ng diktadurya at pagpapalamon ng limpak-limpak na salapi sa bunganga ng mga opisyal ng AFP at PNP at kahibangan nito na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan sa buong rehiyon at buong bansa.
Walang ibang katapat ang ginawang karumal-dumal na pagpaslang kina Kasamang Ricky, Goyo, at Onor kundi rebolusyonaryong hustisya mula sa rebolusyonaryong mamamayan. Matinding paglabag sa karapatang pantao at internasyunal na makataong batas ang ginawang pagpaslang sa tatlong martir. Pagpapatunay lamang ito na AFP, PNP, at si Duterte mismo ay mga uhaw sa dugong halimaw at hindi nila maitatago at maisasakatwiran ang mga pinakamalala nilang mga paglabag. Titiyakin ng rebolusyonaryong kilusan na maihahatid ang rebolusyonaryong hustisya sa mga pamilya at kaanak ng tatlong martir at sa lahat ng biktima ng pasismo at karahasan ng 81st IBPA, 7th ID, at PNP.
Pinatunayan na ng mahigit 5 dekada ng CPP-NPA-NDF at buong rebolusyonaryong kilusan na hindi kailanman napigilan ang pagsulong ng rebolusyon at digmaan sa mga nangyaring pagpaslang o ‘di kaya’y paghuli sa mga lider at kasama ng kilusan. Ang mahaba, mahirap, at mabigat na serbisyong inialay nila Ka Ricky, Ka Goyo, at Ka Onor para sa masang magsasaka ng Ilocos at sa buong sambayanang Pilipino ay tiyak na magpapaalab pa sa damdamin ng marami upang tumahak sa rebolusyonaryong landas ng paglaban at pagtatagumpay. Tiyak na laksa-laksa at libo-libong kabataan at mamamayang api ang matututo sa mga aral at ambag na iniwan nila Ka Ricky, Ka Goyo, at Ka Onor.
Pulang Saludo sa mga Martir ng Rebolusyon at Bayan!
Mabuhay sina Kasamang Finela Mejia, Julius Marquez, at Enniabel Balunos!
Pasistang Rehimen, Singilin at Pagbayarin!
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
https://cpp.ph/statement/pulang-saludo-at-pagpupugay-sa-3-martir-ng-ilocos/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.