Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2020): Trapik sa Pilipinas,ikalawang pinakamatindi sa mundo
PUMANGALAWA ANG METRO Manila sa listahan ng mga lunsod sa buong mundo na may pinakamasahol na problema sa trapik. Ito ay ayon sa Traffic Index 2019, isang ulat na inilabas noong nakaraang buwan ng kumpanyang German na TomTom. Ang nasabing ulat ay tumatalakay sa sidhi ng problema sa trapik sa 416 na mayor na mga sentrong urban sa iba’t ibang panig ng mundo.
Inilahad sa ulat na umaabot na sa 71% ang abereyds na tantos ng sidhi ng problema sa trapik sa mga kalsada ng Metro Manila. Anito, tinatayang 257 oras ang nawala sa kada motorista noong nakaraang taon dahil sa pagkaipit nila sa trapik. Paliwanag nito, ang 30-minutong byahe tuwing umaga ay nagiging 59 minuto dahil sa sikip ng mga kalsada. Samantala, ang parehong byahe ay nagiging 68 minuto naman tuwing gabi.
Pinakamasikip ang mga kalsada tuwing “rush hour” (alas-8 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-6 hanggang alas-7 ng gabi). Ang abereyds na tantos ng trapik ay pumapalo sa 128% tuwing gabi, at 95% tuwing umaga. Rumururok ito tungong 143% tuwing Biyernes ng alas-6 hanggang alas-7 ng gabi.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/02/07/trapik-sa-pilipinasikalawang-pinakamatindi-sa-mundo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.