Wednesday, September 18, 2019

Tagalog News: CPP-NPA idineklarang 'persona non grata' sa probinsya ng Romblon

From the Philippine Information Agency (Sep 18, 2019): Tagalog News: CPP-NPA idineklarang 'persona non grata' sa probinsya ng Romblon


Naging panauhin si Vice Governor Felix Ylagan sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon noong Setyembre 16 sa DTI-Negosyo Center sa Odiongan, Romblon. (Paul Jaysent Fos/PIA-Romblon)

ODIONGAN, Romblon -- Idineklarang 'persona non grata' sa probinsya ng Romblon ang mga miyembro ng CPP-NPA o ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa bisa ng isang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan, sa kabila ng pagiging insurgency free ng probinsya.

Ito ay ayon kay Romblon Vice Governor Felix Ylagan ng makapanayam ng mga mamamahayag sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon noong Setyembre 16 sa DTI-Negosyo Center sa Odiongan, Romblon.

"Dito sa atin nagpasa ng endorsement letter si Governor Riano at ibinigay natin sa chairman na si SP Jun Bernardo, tapos in-approve namin at wala masyadong deliberation sa pagpasa niyan [resolusyon sa pagdeklarang 'persona non grata' sa CPP-NPA]," ayon kay Ylagan.

Ipinaliwanag rin ni Ylagan na hindi porket nagpasa ng resolusyon para gawing 'persona non grata' ang mga miyembro ng CPP-NPA sa probinsya ay ibig sabihin nito ay may presensya na ng grupo dito.

"Tayo naman kasi wala naman talaga tayong NPA dito sa atin," paliwanag pa ni Ylagan.

Maliban sa resolusyon sa pagdeklarang 'persona non grata' sa CPP-NPA, nagpasa rin ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Romblon para kondenahin at tuligsain ang mga kalupitan ng Communist Terrorist Groups (CTGs) noon sa probinsya.

Idineklarang insurgency free ang probinsya ng Romblon nito lamang Pebrero matapos ang mahigit sampung taong walang nangyayaring karahasan sa mga bayan nito. (PJF/PIA-MIMAROPA/Romblon)

https://pia.gov.ph/news/articles/1027400

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.