Wednesday, September 18, 2019

Tagalog News: Mga opisyal ng barangay, may malaking papel sa pagresolba ng insurhensiya

From the Philippine Information Agency (Sep 18, 2019): Tagalog News: Mga opisyal ng barangay, may malaking papel sa pagresolba ng insurhensiya 


BUTUAN CITY -- Sa ginanap na Multi-stakeholders Summit kaugnay sa Executive Order (EO) No. 70 o whole-of-nation approach upang maresolba ang insurhensiya sa probinsya ng Agusan del Norte, binigyang diin ni 1st district representative Maria Angelica Rosedell Amante-Matba ang malaking papel ng mga barangay officials upang tuluyang makamit ang katahimikan at pagkakaroon ng pag-unlad ng isang lugar.

Ayon kay Matba, ang mga barangay officials ang mamumuno at gagawa ng



hakbang at mga paraan upang ang kaniyang mga nasasakupan ay susuporta sa gobyerno at hindi sa mga teroristang New People's Army (NPA).

Malaki naman ang paniniwala ni Ireneo Lauro, punong barangay ng Jaguimitan, sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte na makakatulong ang pagpapalaganap ng EO 70 upang maresolba ang insurhensiya sa ating bansa.

Inaanyayahan din ni Datu Ronald Manhumosay, indigenous peoples mandatory representative o IPMR sa bayan ng Las Nieves ang mga kapwa nya IPs na pagtulongang mahinto ang karahasan at suportahan ang EO 70 upang tuluyang makamit ang kapayapaan at umunlad ang kanilang lugar.


Hinikayat din ni Agusan del Norte governor Dale Corvera ang mga Agusanons na magkaisa. Anya, ito na ang tamang panahon na ang lahat ay magtulongan upang tuluyan ng maputol ang panlilinlang ng mga Communist Party of the Philippines (CPP) - NPA sa mahigit limangpung taon na.


Ayon kay Corvera, magkakaroon lang ng katahimikan ang isang lugar kung ito ay maunlad.

Umaasa din si DILG Agusan del Norte provincial director Ellen Vee Chua na makikipagtulungan ang mga barangay officials dahil malaki ang kanilang papel upang malaman ang mga kailangang interventions ng gobyerno para sa kanilang nasasakupan. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.