Tuesday, September 17, 2019

8 sundalong nasawi sa engkwentro sa Basilan at Sulu, ginawaran

From the Radio Mindanao Network (RMN) (Sep 18, 2019): 8 sundalong nasawi sa engkwentro sa Basilan at Sulu, ginawaran



Ginawaran ng order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walong sundalong nasawi sa pakikipagbakbakan sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan at Sulu.

Tinanggap ng pamilya nina Technical Sgt. Alberto Garde, Staff Sgt. Jayson Sawit, Staff Sgt. Aldam Baginda, Staff Sgt. Kasir Riban, Cpl. Nelson Vidal at private first class Jake Ameglio ang parangal.

Ang mga nabanggit na sundalo ay nasawi noong Nobyembre 8, 2017 sa Sumisip, Basilan.

Samantala, pinarangalan din sina sina Pfc. Emie Pumicpic and Pfc. Benhar Ahajul na nasawi sa pakikipaglaban sa bandidong Abu Sayyaf sa Sulu noong Agosto a-siyete 2016.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.