Sunday, July 7, 2019

CPP/Ang Bayan: Mga opensiba sa Quezon at Kalinga

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2019): Mga opensiba sa Quezon at Kalinga

DI BABABA SA pitong taktikal na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga prubinsya ng Quezon at Kalinga nitong nagdaang mga linggo. Di bababa sa 12 ang naitalang kaswalti ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Limang magkakahiwalay na operasyon ang inilunsad ng BHB-Quezon (Apolonio Mendoza Command) simula Hunyo 11 hanggang 26. Tatlo rito ay pananambang sa mga sundalo ng 80th at 85th IB na nagresulta ng tatlong patay at anim na sugatan sa mga sundalo. 

Isa ang sugatan sa operasyong haras ng yunit ng BHB noong Hunyo 11 sa Lopez, Quezon. Inisnayp din ang mga nakahimpil na sundalo sa Barangay Malabahay, Macalelon noong Hunyo 26. 

Isa naman ang napatay at isa ang nasugatan sa mga sundalo ng 50th IB sa Barangay Balantoy Balbalan, Kalinga. Pinaputukan sila ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Kalinga (Lejo Cawilan Command) noong Mayo 30.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/07/07/mga-opensiba-sa-quezon-at-kalinga/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.