Sunday, July 7, 2019

CPP/Ang bayan: Ika-6 na asembliya ng ILPS, ginanap

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2019): Ika-6 na asembliya ng ILPS, ginanap

Ginanap ang ika-6 na asembilya ng International League of Peoples’ Struggle sa Hongkong noong Hunyo 23-26.

Ang ILPS ang pinakamalawak, pinakamahalaga at pinakamilitanteng pormasyon ng mga anti-imperyalistang organisasyon. Dala ng asembliya ang temang “Ipagtagumpay ang maningning na sosyalistang hinaharap para sa sangkatauhan! Pagkaisahin ang mamamayan para labanan at wakasan ang imperyalistang digma, rasismo at pasismo.” 

Dumalo ang 400 delegado mula sa 44 na bansa at teritoryo sa ginanap na asembliya. Nalampasan nito ang rekord ng mga nagdaang pagtitipon. Ginanap ang asembliya sa gitna ng tumitinding kahirapan, kawalan ng trabaho, muling pagsikad ng pasistang mga rehimen at lider sa daigdig at tumitinding ligalig ng mamamayan.

Isinalaysay ng mga upisyal ang malaking pagsulong ng liga sa ekspansyon partikular sa Africa at Asia. Ilang organisasyon ang naa- bot sa mga rehiyong ito at nakapagtayo ng mga lokal na tsapter. Pinangunahan din ng liga ang pagbuo sa pandaigdigang network na People Over Profit at kilusang kampanya na Resist US War. 

Sa nagdaang mga taon, ikinumpas ng ILPS sa kasapian at lokal na mga tsapter nito ang mga kampanya tulad ng paglaban sa Trans-Pacific Partnership (TPP), pagkundena sa mga pagpupulong ng ASEAN at APEC at maging ng NATO. Nakiisa ito sa panawagan ng mamamayan sa pagbabawal kay Donald Trump sa kani-kanilang mga bansa. 

Noong 2015, inilunsad ang pandaigdigang araw para sa lupa, pagkain at hustisya bilang pakikiisa sa mga magsasaka sa Pilipinas. Lumahok ang mga organisasyon at pormasyong kasapi ng ILPS sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakiisa ang ILPS sa laban sa IMF-World Bank. 

Lubos ang naging pagsuporta ng ILPS sa mamamayan ng Venezuela at Palestine sa harap ng patuloy na pang-aatake ng US at mga Zionist sa Israel na sinusulsulan ng US. Sinuportahan din ng liga ang mamamayan ng France sa kanilang “Yellow Vest Movement” laban sa mga pahirap na buwis ng gubyerno ni Macron.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/07/07/ika-6-na-asembliya-ng-ilps-ginanap/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.