Bulalacao, Oriental Mindoro – Dalawang regular na meyembro ng New People’s Army (NPA) na kusang loob na sumuko sa 4th Infantry Battalion, 2ID, PA sa Mindoro nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan sa pamagitan ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ginanap sa Halcon Hall, Provincial Capitol, Oriental Mindoro kahapon araw ng Martes ika-02 ng Hulyo 2019.
Pinangunahan ni Hon Humerlito “Bonz” Dolor, Provincial Governor ng Oriental Mindoro ang nasabing aktibidad at dinaluhan ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan katulad ng DILG sa pangunguna ni Mr Juanito D Olave Jr, Provincial Director, DILG OrMin; PSWD sa pangunguna ni Ms Zarah C Magboo, PSWDO OrMin; mga kapulisan mula sa Police Provincial Office sa pamumuno ni P/LTC FERDINAND B ANCHETA, Chief Provincial Police Community Relation (PPCR) PPO OrMin; at CPT RONNIE C SARMIENTO, CMO Officer 203rd Brigade.
Nakatangap ang dalawa ng tig 15,000.00 pesos bawat isa bilang paunang tulong at 50,000.00 pesos bawat isa bilang puhunan sa kanilang pangkabuhayan at ito ay umabot ng 65,000.00 pesos ang kabuuang natanggap ng bawat isa.
Ang E-CLIP ay isa sa mga programa ng ating pamahalaan para sa mga rebelde at mga taga suporta nito na nagnanais magbalik loob sa pamahalaan at magkaroon ng pagkakataon na mag bagong buhay kasama ang kanilang pamilya. Layunin ng programang ito na ipakita sa ating mga kapatid na naliligaw ang landas na seryoso ang ating pamahalaan na tulungan sila para sa ikabubuti ng kanilang buhay at pamilya.
Sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan at Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng DILG, PSWDO at ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pamumuno ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO kasama ang kapulisan ay matagumpay na nabigyan ng paunang tulong at puhunan para sa kanilang pangkabuhayan ang mga nasabing nagbalik loob na rebelde sa pamahalaan.
Patuloy parin nananawagan sa mamamayan at sa mga miyembro ng teroristang NPA ang 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade sa pamumuno ni B/GEN MARCELIANO V TEOFILO kasama ang Sangguniang Panlalawigan ng dalawang probinsya ng Mindoro na tuldukan na ang pagsusuporta at pagsama sa mapaglinlang at mapanggamit na teroristang grupong NPA at magbalik loob na sa pamahalaan upang matulungan na magbagong buhay.
Handa ang pamahalaan tanggapin muli at tulungan ang mga teroristang NPA na gustong mag bagong buhay. Sa mga aktibong miyembro ng NPA at taga suporta na nabulag sa katutuhanan at nalinlang sa gawaing terorista, huwag na kayo mag alinlangan pa lumapit lamang sa mga taong inyong pweding pagkatiwalaan para matulungan kayo sa inyong pag bagong buhay.
Dalawang (2) regular na miyembro ng NPA nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa programa ng E-CLIP.
4th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division Philippine Army
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.