Sunday, July 7, 2019

CPP/NPA-Camarines Norte: Brutal na pagpatay kay William Tailon, panibagong lagim ng pasismo sa ilalim ng rehimeng US-Duterte

NPA-Camarines Norte propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2019): Brutal na pagpatay kay William Tailon, panibagong lagim ng pasismo sa ilalim ng rehimeng US-Duterte

CARLITO CADA
NPA-CAMARINES NORTE (ARMANDO CATAPIA COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JULY 07, 2019

Si William Tailon, mas kilala bilang ‘Ka Wang’ ng kanyang mga kababayan, 59 taong gulang ng Brgy. Larap, Jose Panganiban ay walang awang pinaslang at itinapon sa gilid ng Capalonga St., Camarines Norte Hunyo 22 taong kasalukuyan.

Ayon sa asawa ni Tailon, tumawag sa kanyang asawa noong Hunyo 21 ng gabi ang kakilala nilang pulis at inalok ang biktimang mangulipaw sa minahan sa Tide. Kinabukasan, nakarating na lamang sa kanya ang balitang patay na ang kanyang asawa at nasa isang punerarya sa Labo. Ayon kay Gng. Tailon, bakas ang matinding hirapsa bangkay ng kanyang asawa. Ayon pa sa kanya, apat na araw bago ang pamamaslang, may mga hindi kilalang taong umaaligid na nakamotorsiklo ng nakabonet na nakilala ng kanyang asawa na isang pulis mula sa Jose Panganiban.

Ang pagpatay kay Tailon ay malinaw na larawan ng lagim at brutalidad sa ilalim ng rehimeng US-Duterte. Si Tailon ay ilan lamang sa mga walang awang pinatay sa Camarines Norte sa ilalim ng kasalukuyang rehimen. Nauna nito, pinatay din ng mga ahente ng estado sina Ernesto Natada na taga-Bagong Sirang 1 Labo, Tope Balani, Paracale at Allan Casulla ng Macogon, Labo.

Nananawagan ang Armando Catapia Command sa mamamayan ng Camarines Norte na ubos-kayang lakasan at itakwil ang walang habas na pamamaslang, sistematiko at malaganap na karahasan ng rehimen.

https://www.philippinerevolution.info/statement/brutal-na-pagpatay-kay-william-tailon-panibagong-lagim-ng-pasismo-sa-ilalim-ng-rehimeng-us-duterte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.