Sunday, July 7, 2019

CPP/Ang Bayan: Kasong kidnapping laban sa abugado ng Sagay 9, ibinasura

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2019): Kasong kidnapping laban sa abugado ng Sagay 9, ibinasura

IBINASURA NG Department of Justice ang kasong kidnapping laban kay Atty. Katherine Panguban, pinuno ng Women and Children’s Committee ng National Union of People’s Lawyers, noong Hunyo 28. Ang pagbasura ay ibinatay ng korte sa testimonya ng ina at anak nitong menor de edad na nagsasabing kusang loob silang sumama at boluntaryong nagpailalim sa kustodiya ni Panguban. 

Nag-iisang saksi ang menor de edad na lalaki sa nangyaring Sagay 9 masaker noong Oktubre 20, 2018 sa Hacienda Nene, Sagay City, Negros Occidental. Idinetine ng pulisya ang batang saksi at isinailalim sa kustodiya ng Social Welfare and Development ng syudad nang walang pahintulot mula sa kanyang ina.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/07/07/kasong-kidnapping-laban-sa-abugado-ng-sagay-9-ibinasura/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.