Sunday, July 14, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: 74th IB, nangdakip at nang-hostage ng bata sa Northern Samar

Ang Bayan Daily News & Analysis (English edition) propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) PRWC Website (Jul 14, 2024): 74th IB, nangdakip at nang-hostage ng bata sa Northern Samar (74th IB, captured and held a child hostage in Northern Samar)
 





July 14, 2024

Pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 74th IB ang 11 magsasaka, kabilang ang pitong menor-de-edad, habang nasa koprasan sa Sityo Canonghan, Barangay Osmeña, Palapag, Northen Samar noong Hunyo 2. Matapos nito, inaresto sila ng mga sundalo at dinala sa hedkwarters ng.

Para takasan ang pananagutan sa kanilang krimen at paglabag sa internasyunal na makataong batas, pinalalabas ng 74th IB na isang engkwentro sa Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Samar ang nangyari sa araw na iyon. Tuso pang ipinahayag ng militar na “nireskyu” nila ang mga menor-de-edad na pinalabas na mga “kuryer ng pagkain” ng hukbong bayan.

Habang nasa kamay ng 74th IB ay nakaranas ng mental at pisikal na tortyur ang mga bata. Itinuturing sila mga “hostage” o “pain” para ipresyur kanilang magulang na “sumurender” kahit mga sibilyang magsasaka lamang sila sa komunidad.

Ayon sa mga ulat, kasalukuyang nasa kamay ng Municipal Social and Welfare Development pero mga sundalo ang may awtoridad sa kanilang kalagayan. Habang nasa kostudiya ng estado, nilason ng 74th IB ang kanilang mga laban sa kanilang mga magulang. Sinasanay silang mga espiya o aset ng mga pasistang sundalo para sa kampanyang kontra-insurhensya nito. Lahat ng mga hakbang na ito ay seryosong mga paglabag sa internasyunal na makataong batas.

Samantala, naglunsad ang 74th IB at ang Municipal Task Force-Elcac ng Palapag ng aktibidad at treyning sa Barangay Osmeña at Barangay Bagacay nooong Hulyo 5. Pagtatangka ito para tabunan ang kanilang karumal-dumal na krimen at pilitin ang masang magsasaka at mga residente na pumanig sa kanilang anti-mamamayang programa at mapanupil na kampanyang kontra-insurhensya.
74th IB, berdugo ng Northern Samar

Simula Enero, walang-tigil ang mga operasyong kombat at militarisasyon ng 74th IB sa marami pang mga barangay ng Palapag. Desperadong tangka ito ng rehimeng Marcos para abutin ang dedlayn ng pagwasak sa rebolusyonaryong kilusan ngayon 2024. Kabilang ang prubinsya sa tinukoy ng rehimen na erya ng operasyon ng natitirang “pitong natitirang mahina nang larangang gerilya” ng BHB. Dumating ang 74th IB sa Northern Samar noong Pebrero 2023 sa layuning “gapiin” ang BHB sa Eastern Visayas.

Noong unang linggo ng Pebrero, inaresto ng mga sundalo ang ang magsasakang si Sami Arnesto habang nasa kanyang kubo sa Sityo Canonghan, Barangay Osmeña. Dinala si Arnesto sa hedkwarters ng 74th IB at inilitaw pagkatapos ang mahigit isang buwan bilang “surrenderee.” Sa panahon ding ito pinaputukan ng mga sundalo si Gabi Arnesto, tiyuhin ni Sami at isa pang pilit na pinapasurender ng mga sundalo.

Naitala sa Barangay Osmeña ang paulit-ulit na pagpapatawag ng mga sundalo sa mga pamilya ng magsasaka para magpa-“clear” ng pangalan sa kanila. Pinakahuli sa serye ng sapilitang pagpapatawag ay naganap noong Mayo 22. Nanganyon din ang mga berdugong sundalo malapit sa bukirin na bahagi ng sityo noong Marso.

Tahasang nagpataw ng “lockdown” ang 74th IB sa barangay. Sapilitang pinaglilista sa “logbook” ang mga magsasaka sa araw-araw para “bantayan” ang kanilang pagkilos. Tinatakdaan pa ng militar kung anong oras ang kanilang uwi at pagtatrabaho at ipinagbabawal ang pagpapalipas ng gabi sa mga sakahan. Pinagbawalan rin silang magdala ng bigas sa kanilang koprasan. Maging ang mga tindahan ay pinipilit na maglista ng binibiling pagkain o anumang materyal ng kanilang mga kababaryo.

Noong Mayo 23, inaresto ng nag-ooperasyong tropa ng 74th ang sibilyang sila Maria Snooky Jagonoy, Mylene Capoquian Arnesto, Ronnie Capoquian sa barangay ding iyon. Nasa koprasan ang nabanggit nang hulihin sila at dalhin sa kampo. Si Mylene at Maria Snooky ay mga asawa ng magsasakang matagal nang pinipresyur ng militar na magpa-“clear” ng pangalan. Si Ronnie Capoquian naman ay tatay ni Mylene na mayroong deperensya sa pandinig. Hanggang ngayon ay hawak pa sila ng militar kasama ang 4-taong gulang na anak ni Mylene. Minsan na rin silang isinama sa operasyong kombat.

Noong namang ikalawang linggo ng Hunyo, iligal na inaresto ng mga sundalo ang magkapatid na Api at Pampam Jagonoy at kamag-anak nitong si Egay Arnesto sa isang terminal sa bayan ng Gamay. Ang tatlo ay papunta sanang Maynila para magtrabaho. Isinama sila sa kampo at ipinailalim sa walang batayang interogasyon. Dumanas ng pambubugbog ang mga biktima mula sa kamay ng mga sundalo. Ang magkapatid na Jagonoy ay kapatid ng hinuling si Maria Snooky. May mga kapatid din sila na pilit na pinapasurender ng 74th IB.

Samantala, sa Sityo Cag-anibong, Bagacay, Palapag ipinatawag ng kaaway ang sibilyang si Jonalyn Laureno kasama ang mga anak noon ding Hunyo. Hanggang ngayon ay hindi pa sila pinapauwi at ginagawang “hostage” para pauwiin ang asawang pinapasurender ng militar.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/74th-ib-nangdakip-at-nang-hostage-ng-bata-sa-northern-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.