June 04, 2024
Higit dalawang buwan nang nawawala ang binatang si Joy Delica, 32 taong gulang, mula nang dukutin siya ng mga pwersa ng 4th ID sa bahay na kanyang tinutuluyan sa Barangay New Compostella, Damulog, Bukidnon noong Marso 18. Si Delica ay nakikituloy sa naturang komunidad dahil sa iniinda niyang sakit.
Ayon sa ulat, sinugod ng 30 sundalo ng 4th ID ang bahay na tinutuluyan ni Delica noong alas-3 ng madaling araw. Dinampot siya ng mga ito, itinali ang mga kamay at paa at isinakay sa sasakyan ng mga sundalo.
Iginiit ng mga residente sa komunidad na sasamahan nila si Delica para matiyak ang kanyang kaligtasan ngunit ipinagbawal ito ng mga sundalo. Noon pa lamang ay nangamba na silang itulad siya sa maraming biktima ng estado ng pagdukot at sikretong pagkulong, kundiman ekstrahudisyal na patayin ng mga sundalo.
Sa kwento ng mga residente, sinabihan sila ng mga sundalo na pumunta na lamang sa hedkwarters kinabuksan para bisitahin si Delica. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natutunton ang kinaroroonan niya o kung nasa ligtas ba siyang kalagayan.
Sa ilalim ng rehimeng Marcos, hindi bababa sa 13 na ang bilang ng mga desaparesido. Higit na marami rito ang bilang ng mga dinukot bago pinalabas na “sumukong” mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan, ikinulong sa mga kasong kriminal, o sadyang pinaslang ng mga pwersa ng estado.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagdukot-sa-bukidnon-kagagawan-ng-4th-id/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.