June 04, 2024
Naghain ng petisyon sa Court of Appeals noong Hunyo 2 ang Citizen’s Disaster Response Center Foundation (CDRC) para kwestyunin ang pag-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa bank account nito. Inutos ng AMLC ang naturang pag-freeze sa account ng institusyon sa pagdadahilang nagpadala dito ng pondo ang Leyte Center for Development Inc.(LCDe). Una nang pinatawan ng freeze order ang bank account ng LCDe dahil sa paglabag diumano nito sa Republic Act No. 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act (TFPSA).
Ayon sa CDRC, ang pondong idineposito ng LCDe sa bank account nito ay pondong ibinalik lamang sa kanila dahil sumobra ang naideposito nilang pondo para sa relief operations ng LCDe sa mga biktima ng Bagyong Agaton noong Abril 2022. Lahat ng pondong ibinigay sa mga biktima ay maayos na natuos. Sa gayon, walang dahilan para pagsuspetsahan ng anumang kriminal na aktibidad kapwa ang CDRC at LCDe,” ayon kay Atty. Ephraim Cortez, presidente ng National Union of Peoples’ Lawyers. Mga abugado mula sa NUPL ang tumutulong sa CDRC para isampa ang petisyon.
Ayon sa NUPL, para mailatag ang batayan sa isang kasong “financing terrorism” alinsunod mismo sa batas, kailangang may “sadyang intensyon” o “kaalaman” na gagamitin ang pondo o ari-arian para “isagawa o i-facilitate ang pagsasagawa ng teroristang akto o ng isang terorista.”
“Nakamamangha paano naipirmi ng AMLC ang gayong sangkap mula sa nabanggit na mga bank recrod–liban na lang, syempre, kung gumamit ang AMLC ng gawa-gawang mga salaysay mula sa di kilalang mga saksi at ipinagkait (ang mga ito) sa CDRC ang pagkakataong salungatin na mga ito,” ayon kay Atty. Cortez.
Ayon sa abugado, nagsilbing “jury, judge at executioner” ang AMLC sa pagpataw ng mga freeze order nang walang pagpapaalam at pagdinig o anumang hudisyal na interbensyon. Wala ring nagagawa ang mga sinangsyon nito dahil wala sa batas na kailangang ipaalam sa mga may-ari ng bank account na ipi-freeze na ang mga ito.
Nakalakip sa petisyon ng CDRC ang paghamon sa konstitusyunalidad ng walang sagkang kapangyarihan ng AMLC na magkait ng ari-arian, dahil labag ito sa pundamental na karapatan sa due process, gayundin sa kalayaan sa pagpapahayag at malayang asosasyon.
“Ang malisyosong paninira at pag-freeze ng mga ari-arian ng mga NGO na ni-red-tag ay lumilikha ng chilling effect sa kanilang mga isinusulong at sumusupil sa kanilang karapatan na gamitin ang kanilang mga rekurso, na nakapaloob sa mga protektadong kalayaan,” ayon sa abugado.
Binatikos niya ang mga mapanupil na batas, tulad ng TFPSA at katambal nitong Anti-Terrorism Act na may masasaklaw na kapangyarihan na ginagamit ng estado para supilin ang mga boses na tumututol at walang pakundangang itinuturing nitong “terorista.”
“Saang lupalop ng mundo maituturing na akto ng pagsasagawa, pagpopondo o pagfacilite ng terorismo ang pagbibigay serbisyo sa mahihirap at mga komunidad na sinasalanta ng mga sakuna?” bwelta niya.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/pag-freeze-ng-amlc-ng-mga-bank-account-na-iniugnay-sa-terrorism-financing-kinwestyon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.