Thursday, May 9, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News and Analysis: Kasinungalingan ng 9th IB sa diumanong engkwentro sa Kabankalan City, inilantad

Ang Bayan Daily News and Analysis propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 9, 2024): Kasinungalingan ng 9th IB sa diumanong engkwentro sa Kabankalan City, inilantad (Lies of the 9th IB in the alleged encounter in Kabankalan City, exposed)
 





May 09, 2024

Pinasinungalingan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Mt. Cansermon Command) ang mga pahayag ng 94th IB kaugnay ng sinabi nitong dalawang beses na engkwentro sa hukbong bayan sa Barangay Carol-an, Kabankalan City, Negros Occidental noong Mayo 6.

“Walang yunit ng BHB sa naturang lugar nang maganap ang sinasabing engkwentro,” ayon kay Ka Dionesio Magbuelas, tagapagsalita ng yunit ng BHB. “(L)ahat ng yunit sa ilalim ng BHB-South Central Negros ay ligtas at patuloy na nagpapatupad sa kani-kanilang mga gawain sa saklaw na erya ng kanilang operasyon.”

Dahil walang yunit ng hukbong bayan sa naturang lugar, ipinahayag ni Ka Dionesio ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng mga sibilyan at residente sa Barangay Carol-an. Aniya, “posibleng paglabag na naman sa karapatang-tao ang isinagawa ng mga tropa ng 94th IB sa lugar at pinagtatakpan lamang ito sa pagbabalita ng pekeng engkwentro.”

Katunayan, napilitang magbakwit ang higit 480 residente ng Sityo Tagoc, Bobon, at Matampa ng Barangay Carol-an dahil sa pekeng engkwentro ng AFP. Kabilang sa mga biktima ang hindi bababa sa 146 menor-de-edad at 14 matatanda na naninirahan sa barangay.

Hindi na bago ito sa mga maruming taktika ng 94th IB. “Katulad sa nagdaang mga buwan, bawat balita ng pekeng engkwentro at palabas na pagkakumpiska ng mga armas, mayroon ding mga inosenteng magsasaka na iligal na inaaresto, binubugbog at iniimbestigahan,” aniya.

Ang pinalalabas na engkwentro ng 94th IB ay lubhang taliwas din sa deklarasyon ng 3rd ID na nabuwag na nito ang BHB-South Central Negros noong Disyembre 2023.

Giit ni Ka Dionesio, layunin lamang ng 94th IB na makuha ang pabuya sa palabas na sunud-sunod na mga engkwentro at tagumpay laban sa hukbong bayan sa naturang larangang gerilya. Sa pahayag ng 94th IB, pinalalabas na dalawang beses nilang nakasagupa ang yunit ng BHB, na diumano’y nagtagal ng 10 at limang minuto.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/kasinungalingan-ng-9th-ib-sa-diumanong-engkwentro-sa-kabankalan-city-inilantad/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.