May 09, 2024
Nakalaya na noong gabi ng Mayo 7 ang anim na mga aktibistang kabataan na inaresto ng mga pulis sa protesta noong Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Isang linggo silang ikinulong sa kasong iligal na asembliya (paglabag sa Batas Pambansa 880), direct assault, disobedience at malicious mischief.
Pansamantala silang nakalaya matapos magpyansa ng ₱42,000 kada isa (₱6,000 para sa iligal na asembleya at ₱36,000 para sa direct assault) o kabuuang ₱252,000 para sa anim.
Sa kabila ng paglaya ng Mayo Uno 6, dismayado ang mga grupo ng kabataan at karapatang-tao sa mabagal at sinasabi nilang sadyang pinatagal na pagproseso sa kaso at petisyon para sa pyansa ng mga biktima. Noon pang Mayo 3 naghain ng petisyon para sa pyansa ang mga abugado ng mga biktima ngunit Mayo 6 lamang ito dininig ng korte.
Ayon sa Anakbayan, ikinagalak nila ang paglaya ng anim na mga kabataang aktibista. “Tagumpay ito na dulot ng sama-samang pagpapanawagan at pagkilos ng kabataan at iba pang sektor para sa kalayaan ng anim,” ayon sa grupo. Sunud-sunod ang mga aksyong protestang isinagawa ng iba’t ibang mga organisasyon sa hedkwarters ng Manila Police Disrict na nanawagan para sa kalayaan ng anim.
“Malaya man ang Mayo Uno 6, hindi pa rin napapanagot ang pasistang Philippine National Police at NCRPO na marahas na dispersal at iligal na paghuli [sa mga biktima],” ayon sa grupo. Noong Mayo 6 ng gabi, ipinahayag ng mga grupo sa karapatang-tao sa isang pagtitipon para sa midya sa University of the Philippines (UP) Manila ang plano nitong magsampa ng kontra-asunto laban sa mga elemento ng pulis na sangkot sa marahas na pagbuwag sa protesta.
Ipinanawagan naman ng Kilusang Mayo Uno ang kagyat na pagbabasura sa tinawag nitong mga gawa-gawang kaso laban sa anim na aktibista. “Panagutin ang mga piskal at pulis na tumapak sa karapatan ng Mayo Uno 6. Itigil ang mga batas at panukala na pumipigil sa mamamayan na ipaglaban ang kanilang karapatan,” pahayag ng grupo.
Ang anim, mga estudyante mula sa UP at Anakbayan-South Caloocan, ay marahas na inaresto malapit sa embahada ng US kasunod ng martsa kasama ang iba’t ibang mga sektor para batikusin ang pagpapakatuta ng rehimeng Marcos sa imperyalistang US. Partikular nilang kinundena ang isinasagawang Balikatan 39-24 o mga war games ng pwersang militar ng US at Pilipinas mula Abril 22 hanggang Mayo 10 at ang planong charter change.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/6-aktibistang-inaresto-sa-protesta-noong-mayo-uno-nakalaya-na/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.