Saturday, May 11, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News and Analysis: Pinta-protesta, pagsabit ng balatengga kontra Balikatan, isinagawa ng KM at Kaguma

Ang Bayan Daily News and Analysis propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 11, 2024): Pinta-protesta, pagsabit ng balatengga kontra Balikatan, isinagawa ng KM at Kaguma (Protest painting, hanging of balatengga against Balikatan, carried out by KM and Kaguma)
 




May 11, 2024

Inilunsad ng Kabataang Makabayan (KM) at Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) ang kani-kanilang mga aktibidad para batikusin ang katatapos lamang na Balikatan Exercises 39-24.

Sa Australia, mapangahas na nagsagawa ng pinta-protesta ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM)-Narmm sa konsulado ng US sa Melbourne noong nakaraang linggo. Gabi nang isinagawa ng mga kasapi ng KM-Narmm ang kanilang aktibidad habang nakasuot ng takip sa mukha para protektahan ang kanilang pagkakakilanlan.

Ipininta ng mga kabataan ang katagang ‘US out of PH’ at ‘US troops out of PH now’ sa pader at salamin ng konsulado ng US. Walang mga pwersang panseguridad ang nakapigil sa pinta-protesta ng mga kabataan dahil sa katangian ng pagiging biglaan at mabilisan ng kanilang aktibidad.

Samantala, nagsabit ng malaking balatengga ang mga kasapi ng Kaguma sa isang footbridge sa Malibay, Pasay kahapon, Mayo 10. Nakasulat dito ang panawagan ng grupo na ‘Labanan ang imperyalistang giyera! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!’



Pahayag ng grupo, “ito ang panawagan naming mga miyembro ng Kaguma sa pang-uupat ng giyera ng US sa China sa pamamagitan ng pinakamalaking Balikatan sa kasaysayan ng Pilipinas.” Dagdag nila, dapat manindigan ang mga Pilipino laban sa pagkaladkad ng imperyalistang US sa bansa sa inter-imperyalistang gera nito.

Mahalaga umanong balik-aralan at suriin ang isinagawa at inupatan na mga proxy war ng imperyalistang gera sa kasaysayan. “Ang lahat ng ito ay para sa kanyang interes na manatiling nag-iisang superpower,” paliwanag ng grupo.

Pagtatapos nila, tanging sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan makakamtan ng sambayanang Pilipino ang panlipunang pagbabago, pagkakapantay-pantay at tunay na pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/pinta-protesta-pagsabit-ng-balatengga-kontra-balikatan-isinagawa-ng-km-at-kaguma/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.