Carlito Cada
Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
February 21, 2024
Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas-Camarines Norte kay Ruben “Ka Rocky/Ka Bruno/Ka Bru” Abiso, na namartir sa isang depensibang labanan sa Sitio Abuyog, Barangay Macugon Labo, Camarines Norte noong Noyembre 25, 2023.
Si Ka Ruben na mas kilala ng mga masa at kasama na Ka Bruno o Ka Bru ay ipinanganak noong Disyembre 6, 1970 sa Barangay Bayawas Dunsol, Sorsogon na mula sa maralitang magsasaka. Biktima ng kahirapan ang kanilang pamilya kaya mula sa Sorsogon ay lumipat sa Barangay Malaya, Labo, Camarines Norte dahil sa may kamag-anak sila doon at may mga lupa pang pwedeng mapoblar sa lugar.
Walo silang magkakapatid, 6 lalaki at 2 babae at siya ang panganay. Naulila niya ang kanyang asawa at limang anak. Kahit nakatapos lang siya ng grade 6 ay mahusay siyang magbasa, sumulat at magkwenta.
Sa edad na 16 ay madalas na basehan ng mga kasama ang kanilang bahay at madalas din na nakakatalakayan niya ang mga kasama. Ito na rin ang simula ng kanyang pagkamulat at sa murang edad ay napapakisuyuan siya ng mga kasama sa pagbili ng konsumo at naging kuryer hanggang sa karatig probinsya.
Taong 1988, Abril nang siya ay magpasyang magpultaym sa hukbo, sumanib sa YG (yunit gerilya). Dito ay naging masigasig siyang hukbo na kinakitaan ng tapang at mapangahas sa mga gawain. Kaya taong 1990 ay pinasumpa siya sa Partido bilang kandidatong kasapi (KK) at makalipas ang 6 na buwan naman ay pinasumpa siya bilang ganap na kasapi (GK).
Ilang mga naging tungkulin niya sa hukbo ay naging CO ng SDG (sentro de grabidad), lider ng SYP (Sandatahang Yunit Pampropaganda) at naging regular na kagawad ng komiteng larangan. Dahil sa nagkaroon ng problemang pampamilya ay nagpahinga muna siya sa pagkilos noong 2002 at dumayo ng trabaho sa ibang lugar.
Pagdating nang 2009, bumalik na sila ng kanyang pamilya at nanirahan sa sariling lupa. Pagpasok ng 2010 ay itinalaga siya bilang myembro ng milisyang bayan (MB) sa kanilang baryo. Minsan ay naging taguyod siya sa isang aktibidad ng mga kasama, dumadalo sa mga pag-aaral na idinaraos at madalas na katalakayan ng mga kasama, kaya Hunyo 2011 nang magpasya siyang muling kumilos nang pultaym sa hukbo.
Masigasig siya sa pagharap sa mga rebolusyonaryong gawain at di umaayaw sa mga iniaatas na tungkulin. Sa kanyang pagbalik ay naging kagawad ng KT-SK, P4, IL hanggang sa naibalik bilang kagawad ng komiteng larangan. Naitalaga rin siyang kagawad ng komiteng probinsya at malaking bahagi ang ginampanan niya bilang lider sa gawaing pinansya ng probinsya bago siya namartir.
Mas kilala ng mga kasama si Ka Bru bilang masayahing kasama, mahilig magpatawa at malakas tumawa. Mahilig din siya sa larong chess at dama bilang palipasan ng oras. Mahusay din siyang mag-emcee sa inilulunsad na mga aktibidad gaya ng mga anibersaryo, kuha niya ang atensyon ng awdyens sa paraan niya ng pananalita na may kasabay na patawa. Kaya naman paboritong anchor din si Ka Bru sa binuong Radyo ACC (Sigaw ng Bayan) dahil sa kanyang katangian. Hindi rin niya matiis ang hindi tulungan ang kasamang nahihirapan sa mabibigat na dalahin, kapag nakikita niyang hirap sa dalahin ang sinumang kasama ay boluntaryong siya na ang magdadala.
Hindi kailanman malilimutan ng masa at mga kasama ang ipinakitang kagitingan ni Kasamang Bruno sa pagharap sa kaaway. Magiging inspirasyon ito para sa mga kasama at malawak na masa ng sambayanang Pilipino upang hawakan ang nabitiwang armas ni Ka Bru at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Pulang Saludo sa iyo Kasamang Bruno.
https://philippinerevolution.nu/statements/pulang-saludo-ka-bru-di-ka-malilimot-ng-masang-camnorteno/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.