Thursday, August 3, 2023

CPP/NPA-Batangas: Isagani Isita, Hindi Terorista! Bayani ng Sambayanan!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 1, 2023): Isagani Isita, Hindi Terorista! Bayani ng Sambayanan! (Isagani Isita, Not a Terrorist! Hero of the People!)
 


Gregorio Caraig
Spokesperson
NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

August 01, 2023

Sino si Isagani Isita? Hindi sya terorista na katulad ng gustong palabasin ng 59th IB-PA at MIG-4 na pumaslang sa kanya. Tubong Padre Garcia, Batangas, isa siyang pinagpipitagang lider-masa at tagapagtanggol ng mga karapatan ng masang anakpawis. Isang mahusay na organisador ng mga manggagawa, magsasaka, maralitang-lunsod at iba pang inaapi. Walang pag-iimbot nyang ibinigay ang kanyang talino at buhay para ipaglaban ang karapatan ng sambayanang Pilipino.

Dahil sa kanyang pagiging mahusay na organisador at lider-masa na nagtagtaguyod ng karapatang tao, nakaranas sya ng matinding harasment at pagbabanta sa buhay mula sa reaksyunaryong estado at berdugong militar upang patigilin sa pagtulong sa mga inaapi at nangangailangan.

Dulot ng matinding panunupil na naranasan ni Isagani Isita, napilitan nyang iwan ang legal na pakikibaka at mulat nyang pinili ang landas ng armadong pakikibaka dahil dito niya nakita na makakamit lamang ang tunay na hustisyang panlipunan sa pamamagitan ng ibayong pagsusulong ng makatarungang digma. Sa pagiging kasapi ng NPA, higit syang namulat, hindi na lamang para sa kanyang sarili kundi para sa buong sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan. Mas napalapit sya sa mga magsasaka at iba pang api dahil sa pangunguna nya sa pakikibaka at pagsusulong ng rebolusyunaryong agraryo at pagkakamit ng rebolusyunaryong hustisya para sa mga biktima ng terorismo ng estado.

Sa sobrang kawalanghiyaan ng 59th IB-PA, sinampahan sya ng gawa-gawang kaso kasama ng iba pang mga personahe na tagapagtanggol ng karapatang tao upang pagtakpan ang kanilang karumaldumal na krimen ng pagpatay sa siyam na taong-gulang na si Kyllene Casao at may kapansanan sa pag-iisip na si Maximino Digno.

Noong July 30, alas-tres ng madaling araw, pinaslang ng 59th IB-PA at MIG-4 si kasamang Isagani Isita. Nanlaban daw ito habang inihahain ang warrant of arrest kaya sya napaslang. Paano makakapanlaban ang isang may kapansanan na kagaya ni Kasamang Isagani Isita? Katulad ng kanilang mga taktika sa iba pang biktima ng EJK, kunyaring ihahain ang warrant of arrest sa madaling araw para paslangin ang mga biktima at upang walang makakitang mga mamamayan sa kanilang karumaldumal na krimen.

Ninakaw pa ng 59th IB-PA at MIG-4 ang mga personal na gamit nito. Hindi nila inilabas ang laptop, mga android cellphone, pera at iba pang personal na pag-aari ni Kasamang Isagani Isita. Para pagtakpan ang kanilang kawalanghiyaan, tinaniman pa ng mga iligal na ebidensya kagaya ng M16 at mga bala para palabasing nanlaban ito.

Walang puso at tunay na mga berdugo talaga ang 59th IB-PA, makatapos na paslangin ang kanilang padre de pamilya, ang naiwang pamilya naman nito ang gustong harasin ng mga kasundaluhan. Ipinaabot ng ilang concerned citizen sa EDC-NPA, na ipinipilit ng ilang kasundaluhan mula sa 59th IB-PA na nagmamanman sa labas ng compound ng Pamilya Isita na kausapin ang mga paslit na anak nito sa mismong burol ng kanilang pinakamamahal na ama. Isang malaking sampal sa 59th IB-PA ang pagdagsa ng laksa-laksang mamamayan na nakidalamhati at personal na pumupunta sa lamay ni Kasamang Isagani Isita.

Sisingilin at papanagutin ng mga Batangueño ang mamamatay-taong 59th IB-PA at ang buong institusyon ng AFP at PNP! Pikit-mata silang nagpapagamit at ang tanging ipinagtatanggol lamang nila ay ang interes ng imperyalismong US, malalaking burgesya-kumprador at panginoong may-lupa!

Ang Eduardo Dagli Command – NPA Batangas, kasama ng rebolusyonaryong base nito ay paiigtingin ang mga taktikal na opensiba at pagpaparusa sa lahat ng militar, CAFGU, para-militar at mga taksil na nagpapagamit at may utang na dugo sa taumbayan. Mananaig at maihahatol sa inyo ang rebolusyonaryong hustisya! Hindi katulad ng hustisyang inilalako ng rehimeng US-Marcos II, gamit ang mga reaksyunaryong institusyon ng gobyerno katulad ng DOJ at AFP, na pumapabor lamang sa naghaharing uri.

Nananawagan ang Eduardo Dagli Command sa mamamayang Batangueño na patuloy na pinagsasamantalahan ng nabubulok na malakolonyal at malapyudal na sistema, magpasya at ipaglaban ang kanilang karapatan! Lumahok sa digmang bayan upang makamit ang lipunang malaya sa pang-aapi at pagsasamantala ng imperyalismong US, pyudalismo at burukrata-kapitalismo! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

DIGMANG BAYAN SAGOT SA TERORISMO NG ESTADO!
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!!
MABUHAY ANG CPP-NPA-NDF!!!

https://philippinerevolution.nu/statements/isagani-isita-hindi-terorista-bayani-ng-sambayanan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.