Wednesday, June 7, 2023

CPP/NPA-Front Twelve/NPA-Southern Panay: Pananakot sa Tubungan LGU, Ipinagkakaila ng NPA

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 7, 2023): Pananakot sa Tubungan LGU, Ipinagkakaila ng NPA (Threat to Tubungan LGU, Denied by NPA)
 

Ang artikulong ito ay may salin sa Hiligaynon

Ariston Remus
Spokesperson
NPA-Front Twelve (Napoleon Tumagtang Command)
NPA-Southern Panay | Panay Regional Operational Command
New People's Army

June 07, 2023

Malakas na ipinagkakaila ng Napoleon Tumagtang Command, NPA- Southern Panay ang alegasyon at ipinangangalandakan sa media na pagteterorisa raw sa Tubungan LGU! Hindi kagagawan at walang kinalaman ang NPA sa pagpigil daw sa implementasyon ng mga proyekto ng NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) sa Tubungan, Iloilo at pagpadala ng pulang bandera kay PESO Officer Emelyn Estando Tano.

Hindi na kailangang magbanta pa upang malantad sa malawak na masa ang nasabing programa at mga proyekto. Sa matagalan at sa madali, mapapatunayan ng sambayanan na pakunwari lamang at hindi ito makalulutas sa mga sandigang problema sa lupa, mahal na farm inputs, mababang presyo ng kanilang produkto, kumakarerang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kanilang mga pangangailangan. Hindi malulutas ng kalsada at imprastruktura ang kahirapan at kagutuman na iniinda ng masa. Sa halip nananatili itong gatasan at sorsa ng korapsyon ng NTF-ELCAC at mga alipores nito.

Mariin kaming naniniwala na kaparte ito ng dirty tricks at psywar na hakbangin ng pasistang estado at NTF- ELCAC sa hangad na sirain at batikusin ng sambayanan ang NPA. Sa isang banda, itulak ang lokal na gubyerno na kumontra sa rebolusyon. Kaparte din ito ng drama upang pagtakpan ang katotohanang hindi na maipapatupad ang proyekto dahil nilamon na ng masiba na mga buwaya ng NTF-ELCAC ang pondo.

Sa katapusan, nananawagan kami sa malawak na sambayanan na maging matalas na unawain ang kalagayan at pumili ng wastong landas sa paglutas ng hinaharap na mga problema. Wala tayong maaasahang pundamental na solusyon mula sa korap, pasista at maki-dayuhang rehimeng Marcos II. Magpupursige kami sa pagpukaw at pag-organisa ng malawak na sambayanan upang buuin ang matibay na lakas na magluluwal ng tunay na kalayaan at demokrasya.

https://philippinerevolution.nu/statements/pananakot-sa-tubungan-lgu-ipinagkakaila-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.