Thursday, May 11, 2023

Kalinaw News: Bayan ng Baras kaunaunahang nagdeklara bilang "Stable Internal Peace and Security" sa lalawigan ng Rizal

From Kalinaw News (May 11, 2023): Bayan ng Baras kaunaunahang nagdeklara bilang "Stable Internal Peace and Security" sa lalawigan ng Rizal (Baras town was the first to declare "Stable Internal Peace and Security" in the province of Rizal)



Nilagdaan noong ika- 08 ng Mayo taong kasalukuyan ang Memorandum of Understanding, Pledge of Commitment at Persona Non Grata na nag dedeklara sa bayan ng Baras bilang kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Rizal na nakamit ang pagiging “Stable Internal Peace and Security”. 

Pinangunahan ito ng kagalang-galang na punong bayan Hon. Wilfredo C. Robles, kaisa ang mga ng Sangguniang Bayan sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan na kinatawan ni Hon. Hector M. Robles, Board Member, 2nd District ng Rizal, Provincial DILG na kinatawan ni Ms. Ellaine Tumaclas, MLGOO at mga kinatawan sa security sector sa pakikipag-ugnayan ng 80th Infantry (Steadfast) Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col Erwin Y. Comendador, Commanding Officer. 

Dinaluhan din ni Col Georgie G. Domingo, kinatawan mula sa 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division at 202nd Infantry (Unifier) Brigade na pinamumunuan ni Brig.Gen Cerilo C. Balaoro Jr. at PCol Dominic L. Baccay, Provicial Director ng Rizal Provicial Police Office na sinaksihan ng mga kawani ng pamahalaang bayan ng Baras bilang mga saksi at pakikiisa sa layunin ng SIPS sa nasabing bayan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na ipakita sa pamamagitan ng pagdedeklara sa isang bayan na tahimik, may maayos na pamamahala ng mga nanungkulan sa pagganap sa bawat tungkulin at ang ugat ng problema sa insurhensiya ay ganap ng natapos at nasusulusyonan. Patunay lamang na matatag ang pagsunod ng munisipyo ng Baras sa itinakda sa EO70 na naglalayong pakilusin ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng “Whole of Nation Approach”.

“Isang malaking karangalan bilang Mayor na ang Baras ang pinakauna-unahang munisipyo na naideklarang SIPS sa buong Probinsya ng Rizal. Ito ay nagpapatunay na nagtatrabaho tayo kasama ang ating security forces sa pagsugpo sa CPP-NPA-NDF. Magsusumikap pa ang Baras upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan. Challenging, pero ito ay kayang-kaya kung tayo ay sama-sama para sa kaunlaran ng bansa”.

-Hon. Wilfredo C. Robles






[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/bayan-ng-baras-kaunaunahang-nagdeklara-bilang-stable-internal-peace-and-security-sa-lalawigan-ng-rizal/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.