Divina Malaya
Spokesperson
Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Laguna
NDF-Laguna
NDF-Southern Tagalog | National Democratic Front of the Philippines
March 11, 2023
Rebolusyonaryong pagbati at pakikiisa ang alay ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan Laguna (MAKIBAKA Laguna) sa hanay ng kababaihang nakikibaka sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo ngayong Pandaigdigang Buwan ng Kababaihang Anakpawis.
Higit sa isang pagdiriwang, ang Pandaigdigang Buwan ng Kababaihang Anakpawis ay kumikinang na simbolo ng parte na ginagampanan ng kababaihan sa paghubog ng isang lipunang may pagkakapantay-pantay at nakabatay sa katotohanan at hustisyang panlipunan. Tanda ito ng nagpapatuloy na paglaban ng kababaihan kasama ang sambayanan.
Ngayon na mas umiigting ang pagtutunggali ng mga imperyalistang bayan tulad ng Amerika at Tsina upang kontrolin ang bansa, mas magiging bulnerable ang kababaihan sa mga pang-aabuso at pagsasamantala ng mga dayuhang pwersa. Kasabay ng mas agresibong taktika ng Amerika sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, awtomatik na magiging target muli ng sekswal na abuso at karahasan ang kababaihan at LGBTQ na kadalasang biktima ng mga tropang ‘Kano na nakabase sa Pilipinas tulad nina ‘Nicole’ at Jennifer Laude.
Hindi rin dapat kaligtaan ng kababaihan ang aktibong paglaban sa serye ng mga kontra-mamamayang polisya na niraratsada at ipinapatupad ng rehimeng US-Marcos-Duterte sa tabing ng huwad na pagpapabuti sa kalagayan ng bansa. Hinihimok ng MAKIBAKA ang lahat ng kababaihan at may kinikilalang kasarian na sumama, makiisa, at ipagtagumpay ang mga kampanya at puputok na pakikibakang masa kasabay ng pagtindi ng krisis. Saan mang espasyo — sakahan, pagawaan, paaralan, terminal ng mga pampublikong sasakyan, komunidad, at iba pa, ay dapat dumagsa at maramdaman ang paglahok ng kababaihan sa mga labang ito. Ang mga kampanya at pagkilos ng mamamayan tulad ng nangyaring malawak na tigil pasada ng mga tsuper ay dapat suportahan at lahukan ng kababaihan upang mas patatagin ang tunay na nagkakaisang demokratikong pwersa laban sa tambalang Marcos-Duterte. Mahalagang makisangkot ang kababaihan sa pagtuligsa at pagpigil sa mga nagnanaknak na isyung ito at gabayan ang ating mga kababayan tungo sa mas matayog na pakikibaka.
Bukas ang mga kagubatan at kabundukan sa kanayunan sa lahat ng kababaihan na magpapasyang ialay ang kanilang buong panahon sa pagsisilbi sa bayan. Hitik na hitik na ang mga rason at hinog na ang kondisyon upang tahakin ng milyun-milyong kababaihan ang landas ng armadong pakikibaka at isanib ang sarili sa rebolusyon para sa isang matiwasay na lipunan at kinabukasan. At sa gabay ng dakilang Partido, kasama ang sandatang teoryang Marxismo-Leninismo-Maoismo, tiyak ang ating pagsulong at pagtatagumpay.
Mabuhay ang kababaihang anakpawis ng Pilipinas at buong daigdig!
Kababaihan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
https://philippinerevolution.nu/statements/kababaihang-anakpawis-biguin-ang-terorismo-ng-rehimeng-us-marcos-duterte-hawanin-ang-mga-landas-at-ipagtagumpay-ang-digmang-bayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.