Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Ilang dekalibreng armas ang nasamsam ng pinag-isang pwersa ng mga sundalo’t pulis matapos nilang makasagupa ang ilang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Pilar, Sorosogon kaninang umaga.
Kabilang sa mga armas na ito ay ang dalawang M16 Rifle, dalawang anti-personnel mines, isang Molotov, sampung cellphone, mga makateroristang dokumento at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.
Bago naitala ang nasabing pangyayari ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad sa umano’y presensiya ng mga armadong kalalakihan sa may pagitan ng Barangay San Vicente Grande, Daraga Albay at Barangay Catamlangan at Pinagsalog ng bayan ng Pilar kung saan agad nilang beneripika na nagresulta sa 15 minutong palitan ng putok.
Wala namang naitalang nasugatan o namatay na tropa sa nasabing insidente habang inaalam pa sa bahagi ng mga terorista dahil sa mga bakas ng dugo sa lugar.
Muli namang nanawagan si Major General Adonis Bajao ang Commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army at Joint Task Force Bicolandia sa mga miyembro ng CTG na sumuko na lamang at buksan ang kanilang puso’t-isipan sa pagbabago ng kanilang pananaw sa buhay kasama ang Puong Maykapal.
“Hinihikayat ko po ang mga miyembro ng CTG na sumuko na lamang at maging bahagi ng pagbabago ng ating komunidad tungo sa tunay na kapayapaan. Katatapos lamang po ng ating paggunita sa National Bible Day nitong Lunes, nawa’y sa pamamagitan nito ay mabuksan na rin ang inyong mga puso’t isipan upang baguhin na ang inyong mga pananaw sa buhay”, ani MGen. Adonis Bajao.
Ito na ang ikalimang engkwentrong naitala ngayong taon kabilang na ang naganap sa Sorsogon noong Enero 15 at Enero 28, at ang pinaka-unang magkasabay na engkwentro noong nakaraang Enero 9 sa Albay at sa Masbate kung saan nasamsam sa Baleno at Aroroy, ang matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng: dalawang M16 rifle, isang (1) M-60 machine gun; isang (1) M14 7.62 rifle; isang (1) M4 5.56 na rifle, samu’t-saring mga bala at mga maka-teroristang dokumento.
Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.
https://www.kalinawnews.com/mga-dekalibreng-armas-nasamsam-ng-mga-sundalot-pulis-sa-engkwentro-sa-sorsogon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.