Leona Paragua
Spokesperson
NDF-Palawan
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
February 22, 2023
Nananawagan ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa mamamayang Palaweño at buong bansa na suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka at natibong Palaw’an sa Brooke’s Point laban sa mapaminsalang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation. Mula Pebrero 18, nagbarikada ang mga residente sa sayt ng mina sa Brgy. Maasin para igiit sa pambansang gubyernong ipahinto ang operasyon ng kumpanyang dahilan ng matinding pagbahang nagpalubog sa buong bayan nitong Enero.
Makatwiran ang pakikibaka ng mga taga-Brooke’s Point na nakatuntong sa pagkakaisa ng mamamayang pangalagaan ang lupaing ninuno ng natibong Palaw’an at kalikasang saklaw ng Mt. Matalingahan na pinagkukunan ng kabuhayan ng mamamayan. Ang kalikasang ito ang winawasak ng INC at iba pang kumpanya ng mina sa probinsya sa pamamagitan ng pagkalbo sa kagubatan at pagpapasabog ng malalaking tipak ng lupa para minahin, na hindi naman pinakikinabangan ng mamamayan.
Kahit walang mayor’s permit, ginagamit na tuntungan ng operasyon ng INC ang pag-alis ng nakalipas na rehimeng Duterte sa mining moratorium. Kinasangkapan pa nito ang mga reaksyunaryong ahensya ng gubyerno tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para magpeke ng free, prior and informed consent (FPIC) mula sa mamamayan. Liban sa INC, magbabalik rin ang MacroAsia Mining Company ni Lucio Tan at nakatakda pang pumasok sa Brooke’s Point ang dalawa pang kumpanya ng mina sa nasabing bayan. Kapag natuloy ang mga ito, tiyak na ang lalong pagkawasak ng Mt. Matalingahan at mas malala pang delubyo ang dadanasin ng mga taga-Brooke’s Point tuwing panahon ng tag-ulan. Kapag nangyari ito, ang malalawak na palayan, niyugan at sagingan sa Brooke’s Point na pantustos sa pangangailangan ng buong lalawigan ay masisira kasabay ng pagkamatay ng kabuhayan ng mamamayan.
Dapat kilalanin na ang dekada nilang pakikibaka laban sa INC at iba pang kumpanya ng mapaminsalang mina sa kanilang bayan ay naglalayong pangalagaan ang buhay, kabuhayan at kalikasan ng Brooke’s Point at lahat ng nakasalalay dito. Dapat suportahan ng iba’t ibang sektor ang kanilang pakikibaka at buuin ang mas malakas na pagkakaisa hanggang matagumpay na maigiit sa lokal hanggang pambansang gubyernong tugunin ang kanilang panawagan. Habang naninindigan ang rehimeng US-Marcos para sa mapaminsalang mina, dapat pag-ibayuhin ng mamamayan ang kanilang pakikibaka at palakasin ang bag-as ng lihim na pambansa-demokratikong kilusan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas.###
https://philippinerevolution.nu/statements/tugunin-ang-panawagan-ng-mamamayan-ng-brookes-point-operasyon-ng-ipilan-nickel-corporation-itigil/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.