Monday, December 19, 2022

CPP/NPA-Quezon: Hinggil sa Insurgency-free na ang bayan ng Macalelon

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Dec 19, 2022): Hinggil sa Insurgency-free na ang bayan ng Macalelon (With regard to the town of Macalelon being Insurgency-free)
 


Cleo del Mundo
Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

December 19, 2022

Nagpapatawa ang 85th IBPA, PNP-Quezon kasama ang LGU ng Macalelon matapos nilang ideklara noong Disyembre 13 na “insurgency-free” o wala nang presensya ng rebolusyonaryong kilusan sa bayan ng Macalelon.

Pinangunahan ni Lt. Col. Joel Jonson ng 85th IBPA, Col. Ledon Monte ng PNP-Quezon at Mayor Artemio Mamburao ang pagpirma sa memorandum of understanding (MOU) ng nasabing deklarasyon.

Nangangahulugan itong may pabuya na hinihintay ang mga sundalo, pulis at lokal na pamahalaan para paghati-hatian.

Nangangahulugan din lamang na ibinubukas at inihahanda ang naturang bayan sa posibleng pagpasok ng negosyo at proyekto na pumapabor sa naghaharing-uri sa lalawigan. Kung gayon, wala nang makakapigil sa tuloy-tuloy na pagsasaayos ng dambuhalang dam sa Barangay Vista Hermosa na posibleng magpalubog sa bayan sakaling magkaroon ng aberya sa konstruksyon at operasyon nito kapag nayari na.

Nuknukan ng sinungaling si Lt.Col Jonson sa pagsasabing wala nang aktibidad ang NPA sa Macalelon.

O ang 59IBPA ba na dating may saklaw sa lugar ang tunay na bulaan? Inaamin na ba ng 85IBPA na pekeng balita ang malagim na pangyayari noong ika-15 ng Nobyembre, 2021 nang walang-awang pinagbabaril ang mag-asawang Jenna Oreviana at Rodel Llames matapos silang ituring na mga NPA ng 59th IB. Nagresulta ito sa pagkamatay ng kabayo ng mag-asawa na tinamaan ng bala. Nangyari ang insidente sa Sityo Batolinao, Barangay San Jose.

Kung aabot na ng isang taong walang aktibidad ang NPA sa bayan, kaninong pugad o kuta ang natagpuan nila sa Barangay Vista Hermosa noong Enero 6, 2022?

Ayon sa pahayag mismo ng 85th IB sa kanilang FB Page, “Ang naturang lugar ay palaging pinagpupugaran ng mga teroristang grupo dahil sa malalim na ugnayan nito kung saan noong unang panahon pa ay may matibay na koneksyon ang mga grupo sa kanilang mga naorganisa at mga nalinlang na mamamayan sa kanayunan ng nasabing barangay.”

Sino ang mas sinungaling sa 59IB at 85IB? Hindi dapat bilihin ng mga mamahayag at taumbayan ang balitang ito. ###

https://philippinerevolution.nu/statements/hinggil-sa-insurgency-free-na-ang-bayan-ng-macalelon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.