Sunday, July 31, 2022

Kalinaw News: Peace Forum para sa mga SK Federation Presidents ng Southern Leyte, isinagawa

From Kalinaw News (Jul 27, 2022): Peace Forum para sa mga SK Federation Presidents ng Southern Leyte, isinagawa



Himpilan ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade, Camp Jorge Downes, Ormoc City, Leyte– Bilang bahagi ng programa ng Peace, Law Enforcement, Development and Security (PLEDS) Cluster, Provincial Task Force ELCAC ng lalawigan ng Southern Leyte, isinagawa ng 14th Infantry (Avenger) Battalion, Sangguniang Kabataan Peace Forum sa Canigao Island, Matalom, Leyte noong ika-23 hanggang 24, Hulyo 2022.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng 31 na mga SK Federation Presidents, SK Chairperson at mga Opisyalis mula sa labing walong (18) bayan ng Southern Leyte na pinangunahan ni Hon. David N. Labrador, ang Bise-Presidente ng nasabing Pederasyon. Layuning ng naturang Peace Forum ay upang pagkaisahin ang mga programa at proyekto ng mga Kabataan na may kaugnayan sa pagsugpo ng mga gawain ng cpp-npa-ndf na pagradicaliza, pagrecrkrut at pag organisa ng mga kabataan upang maging taga pagsuporta sa armadong pakikibaka at sa di kalaunay maging miyembro na ng armadong NPA. Tinalakay din sa naturang aktibidad ang mga sumusunod na usapin: Oryentasyon patungkol sa panlilinlang at illegal na pagrerekrut ng mga teroristang grupo na CPP-NPA-NDF mula sa National Intelligence Coordinating Agency – Region 8; Youth in Nation Building at ang Strategic Planning mula kay Mr. Arthur ‘Ka Art’ Tariman, ang Regional Coordinator, SAMBAYANAN National Cadre Team; Testimonya ng mga dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan patungkol sa kaibahan mula sa masasalimuot na mga naging karanasan nila habang nasa kilusan at ang malaya at masayang pamumuhay nila ngayon sa pamayanan kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay; Oryentasyon patungkol sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Anti-illegal drugs mula sa Southern Leyte Police Provincial Office (SLPPO) at Maasin City Police Station sa pangunguna ni PSSg Lunisa P Obus, PCR Maasin CPS; Workshop at presentasyon patungkol sa mga plano, programa at mga aktibidad ng mga Sangguniang Kabataan at kung paano sila makakatulong sa pagsugpo sa insurhensiya sa ating bansa kasabay ang kanilang pangako na maging kabahagi ng solusyon at hindi ng problema. Nagkaroon din ng team building activities upang magkaroon ng maayos na samahan ang bawat partisipante at masubok ang kanilang mga kakayahan at kahusayan pagdating sa mga suliranin na kanilang kinakaharap sa kani-kanilang mga komunidad bilang lider-kabataan.

And aktibidad ay dinaluhan din ni COLONEL NOEL A. VESTUIR INF (MNSA) PA, bilang panauhing pandangal na syang Pinuno ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade. Nagbahagi rin si COL VESTUIR ng isang lektyur patungkol sa International Solidarity Works ng Communist Terrorist Group. Nagbigay din siya ng mensahe at pasasalamat sa mga lider-kabataan sa kanilang patuloy na suporta at pagsasagawa ng mga aktibidad upang mapigilan na ang panglilinlang ng mga teroristang grupo na CPP-NPA-NDF sa mga inosenteng kabataan. “Natuwa ako doon sa narinig ko sa inyo na you are willing to be part of the solution to the problem, maraming mga kabataan na pagka sumigaw sa lansangan puro problema ang nakikita, ang tanong, are they willing to be part of the solution? I don’t know but I am in doubt na naging part sila ng solution. It is good that we see the problem, but it is different kung magiging part tayo ng problem at hindi tayo naging parte ngsolusyon. Kayo na nandito ngayon, malaki ang kaibahan ninyo sa mga grupo ng mga kabataan na nagiging parte ng problema, hindi ng solusyon.” Ani Col. Vestuir.

Sa huli, bago magtapos ang dalawang araw na aktibidad, nagkaroon ng Clean-up Drive sa Isla ng Canigao, kasama ang Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Matalom, Leyte sa pangunguna ni Hon. Christopher P. Daño, SK Federation President.

Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan particular ang mga member agencies ng PLEDS Cluster ng Regional Task Force ELCAC 8, ng Lokal na Pamahalaan ng Probinsiya ng Southern Leyte at ng mga Municipal SK Federation Presidents ng 18 na bayan sa Southern Leyte. Dahil dito, Ang Philippine Army ay patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad para sa mga kabataan upang mapigilan ang panlilinlang ng mga teroristang grupo at makamit na ang kapayapaan at kaunlaran sa ating bansa.










[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/peace-forum-para-sa-mga-sk-federation-presidents-ng-southern-leyte-isinagawa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.