From Kalinaw News (Jul 21, 2022): Pagpupugay sa Bayaning Sundalo (Tribute to the Hero Soldier)
CAMP DOWNES, Ormoc City, Hulyo 20, 2022 – Bilang pagkilala sa kabayanihan ni late Sgt Gleen C Amado, ang 802nd Infantry (Peerless) Brigade at 93rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Battalion sa pangunguna ng Brigade Commander na si Colonel Noel A Vestuir ay nag-alay ng “Heroes Honors” sa kanyang labi sa Municipal Hall ng Jaro, Leyte nitong Hulyo 20, 2022. Si Sgt Amado ay residente ng Jaro, Leyte at kasapi ng 20th Infantry Battalion na nakatalaga sa Northern Samar. Kong matatandaan, noong Marso 5, 2022, si late Sgt Amado at ang kanyang mga kasamahan ay inatake ng teroristang grupong CPP-NPA habang sila ay nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) sa Sitio Canunghan, Palapag, Northern Samar na kung saan, siya ay tinamaan ng bala sa leeg. Kaagad namang dinala sa AFP Medical Center, sa Victoriano Luna Road sa Quezon City, Metro Manila, ngunit sa kasawi-ang palad, siya ay binawian din ng buhay nitong Hulyo 7, 2022.
Ang CSP ay isang programa ng pamahalaan sa ilalim National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang alamin at tugunan ang mga pangangailangan ng mamayan at komunidad. Kalakip nito’y nilalayon din ng CSP ang iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino, gawing mapayapa at maulad ang mga komunidad lalong lalo na ang mga lugar na malayo sa kabihasnan o Geographically Isolated Disadvantage Areas (GIDAs).
Ang pagkasawi ni late Sgt Amado ay maituturing na isang kabayanihan sapagkat kanyang ibinale wala ang nakaambang na panganib at banta ng mga teroristang cpp-npa, maisagawa lamang ang kanyang tungkulin sa naturang Barangay.
.
Ayon kay Mayor Jassie Tańala ng Jaro, Leyte, sila ay nalulungkot sa pagkawala ng isang magiting na anak ng Jaro, subalit ang kanyang kabayanihan ay nagpapakita ng katapangan at katapatan sa kanyang tungkulin, kapalit man nito ang kanyang buhay. Kanya ding pinaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Sgt Amado. Ayon pa sakanya, “di natin maibabalik ang buhay ni Sgt Amado, ngunit ang kanyang ginawa na paglilingkod sa ating bayan ay hindi natin makakalimutan.”
Ipinaabot ni Col Vestuir ang kanyang pakikiramay sa mga naulilang pamilya ni Sgt Amado at ang kanyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Jaro, Leyte, sa pagkilala sa kabayanihan ng kanilang kababayan. Ayon kay Colonel Vestuir, “tayo ay nagbibigay pugay sa kabayanihan ng isa nating kasamahan na nagbuwis ng buhay sa ngalan ng tapat na paglilingkod sa ating bayan at sa ating kapwa Pilipino. Bagamat ang pagkamatay ni Sgt Amado ay isang malaking kawalan sa buong Hukbong Katihan, ito din ang magsisilbing inspirasyon sa aming mga naiwan upang ipagpatuloy ang laban, upang ating makamtan ang tunay at ganap na kapayapaan.”
Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/pagpupugay-sa-bayaning-sundalo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.