Ang Bayan Daily News & Analysis propaganda articles posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 11, 2022): Mamamahayag, pinarangalan ng NDF-Negros (Journalist, honored by NDF-Negros)
Pinarangalan ng National Democratic Front-Negros si Nikka de la Cruz (Ka Chai), isang Pulang mandirigmang maysakit na pinatay ng 94th IB sa Binalbagan sa isla ng Negros noong Hulyo 6. Kasama niyang pinaslang ang tatlo pang mandirigma na pawang maysakit.
Walang katotohanan ang ipinagkakalat ng Armed Forces of the Philippines na nagkaroon ng putukan, ayon sa NDF-Negros. Ayon sa salaysay ng mga residente sa lugar, sinubukan nilang tulungan ang maysakit na mga mandirigma pero nagpaulan na ng bala ang mga sundalo. Maging ang bukal na pinagkukunan ng tubig ng komunidad ay hinagisan ng mga sundalo ng mga granada ang bukal sa pagdadahilang pinagtataguan diumano ito ng mga mandirigma.
Ilang minuto paglipas, harapang pinaslang sa mistulang isang firing squad ang mga apat na kasamang nasukol at nadakip. Ayon sa mga nakasaksi, ipinwesto ng mga sundalo ang mga bangkay para pagmukhaing nagkaroon ng labanan.
Pinararangalan ng NDF si De la Cruz na anito’s “isang batang rebolusyonaryong intelektwal na tumugon sa panawagang makipamuhay sa kanayunan at sumapi sa hukbong bayan.”
“Namatay siya bilang isang pinakamamahal na mandirigma ng bayan at kadreng proletaryo na kumakatawan sa batayang prinsipyong rebolusyonaryo ng pagsisilbi sa sambayanan.”
Si De la Cruz ay nagtapos ng kursong journalism sa University of San Jose-Recolets at unang nagtrabaho bilang reporter ng dySS, isang istasyon ng radyo ng kumpanyang GMA-7. Dito niya nausisa ang mga kwento at usapin na kadalasan ay di na nakaaabot sa mainstream media. Kalaunan, nagpasya siyang umanib siya sa Aninaw Productions, isang alternatibong grupong pang-midya.
https://cpp.ph/angbayan/mamamahayag-pinarangalan-ng-ndf-negros/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.