Monday, May 2, 2022

Kalinaw News: Dating mga taga suporta ng CPP-NPA, nagkaisa para sa isang malinis at mapayapang Halalan 2022; ika-49 na anibersaryo ng NDF kinundena

Posted to Kalinaw News (Apr 28, 2022): Dating mga taga suporta ng CPP-NPA, nagkaisa para sa isang malinis at mapayapang Halalan 2022; ika-49 na anibersaryo ng NDF kinundena (Former CPP-NPA supporters, united for a clean and peaceful Election 2022; 49th anniversary of the NDF condemned)



FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija — Isang makasaysayan at matagumpay na aktibidad ang isinagawa ng mga tropa ng 702nd Infantry Brigade at mga miyembro ng Mountain Province-Provincial Police Office katuwang ang Commission on Election, lokal na pamahalaan ng Besao, Mountain Province matapos ang isinagawang Candle Lighting at Peace Rally na naglalayong suportahan ang isang malinis, ligtas at mapayapang halalan sa Sitio Dandanac, Brgy Tamboan, Besao, Mountain Province sa ika-24 ng Abril taong kasalukuyan.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon para sa mga residente na makalahok sa ganitong uri ng aktibidad na naglalayong maitaas ang kanilang kamalayan, partisipasyon at malaking kontribusyon sa darating na halalan 2022.

Naging daan din ang naturang aktibidad upang iparating ng mga lokal na residente ang pinagkaisang layunin na kundenahin ang teroristang CPP-NPA na siyang nanggugulo sa kanilang mapayapang pamayanan.


Kung matatandaan, naging baseng masang gerilya ng terroristang CPP-NPA ang naturang komunidad dahil sa natatanging topograpiya at layo ng lugar mula sa bayan.


Bitbit ang mga posters, nanawagan ang mga lokal na residente na tuluyan ng wakasan ng teroristang CPP-NPA ang pangingikil, panlilinlang, panggigipit at pagrekrut ng mga kabataan at mga katutubo sa Mountain Province.


Ito ay kanilang isinagawa upang kundenahin ang pagdaraos ng CPP/NPA/NDF ng ika-49 taon na anibersayo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa nasabing lugar.

Dagdag pa nito, ang nasabing aktibidad ay nagsilbing boses ng komunidad upang higit nilang iparating ang kanilang taus-pusong pasasalamat sa ating kasalukuyang pamahalaan matapos bumuhos ang iba’t-ibang programa at proyekto sa ilalim ng National Task Force-Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na siyang naging malaking pagbabago sa kanilang komunidad upang higit nilang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.


Naging patunay din ang karanasan ng mga lokal na residente sa karahasan at kapahamakan sa kanilang pamilya na maaring maidulot ng mga Teroristang CPP-NPA dahil sa paggamit ng madugong pakikipaglaban sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng patuloy na proyekto at mga programa ng pamahalaan kapit-bisig nilang isinusulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa kanilang komunidad na malayo sa banta ng kaguluhan at karahasan mula sa teroristang CPP-NPA.


Ayon kay BGen Krishnamurti A Mortela, Punong Heneral ng 702nd Brigade, “Ako’y nagpapasalamat at natutuwa sa mga mamamayan ng Sitio Dandanac sa kanilang panawagan upang magkaroon ng mapayapang eleksyon sa darating na Mayo 9, 2022 sa pamamagitan ng pag organisa ng mapayapang pagtitipon at pagsindi ng kandila para sa kapayapaan.”

Samantala, ikinatuwa naman ni Major General Andrew D Costelo ang pagkakaisa ng mga dating taga suporta ng teroristang grupo upang suportahan ang malinis at mapayapang halalan kasabay ng kanilang mariing pagkundena sa mga masamang gawain ng teroristang NPA.

“Sa pamamagitan nito naipapakita ng mga residente ang kanilang suporta sa pamahalaan at sa kanilang pagnanais na wakasan ang panlilinlang ng teroristang grupo sa kanilang lugar,” ayon kay MGen Costelo.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/dating-mga-taga-suporta-ng-cpp-npa-nagkaisa-para-sa-isang-malinis-at-mapayapang-halalan-2022-ika-49-na-anibersaryo-ng-ndf-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.