Posted to Kalinaw News (Apr 30, 2022): Army at PLGU Ilocos Sur Binigyan ng Disenteng Kasal Ang Dating NPA (Army and PLGU Ilocos Sur Give Decent Marriage to Former NPA)
Sta. Cruz, Ilocos Sur | Ipinamalas ng 702nd Brigade sa dalawang magsing-irog na dating rebelde ang desinteng kasal noong ika-27 ng Abril taong kasalukuyan. Katuwang ang Local na Pamahalaan ng Ilocos Sur sa pangunguna ni Gobernor Ryan Luis Singson.
Agad namang nagpasalamat ang bagong mag-asawang Victor at Karen sa Gobernador ng Ilocos Sur at 702nd Brigade sa suportang moral at pinansyal upang maidaos ang kanilang kasal.
Sila Victor Baltazar alyas “Omar” at Karen Bravo alyas “Irish” ay kapwa membro ng KLG-AMPIS ay nagpasyang sumuko dahil kahirapan sa bundok. Sila ay nagpasyang sumuko upang tuldokan ang kanilang paghihirap sa bundok at bigyang daan ang matagal na nila hinahangad na magkaroon ng pamilya at huhay na malaya.
Ayon kay Gobernor Singson, “Ako’y natutuwa sa desisyon nila Victor at Karen dahil binigyan nila ng importansya ang magkaroon ng kapayapaan hindi lamang sa Probinsya ng Ilocos Sur kundi pati sa kanilang mga sarili. Binabati ko sila ng ngayong araw ng kanilang kasal. I wish them good life and more blessings to come.”
Nananawagan naman si BGen Krishnamurti A Mortela PA, punong heneral ng 702nd Brigade sa mga natitirang myembro ng KLG-AMPIS sa kanyang nasasakupan na sumuko na at ibigay ang kapayapaan sa kanikanilang mga sarili at sa buong reheyon.
“Bilang pinuno ng 702nd Infantry Brigade, ako’y nananawagan sa natitirang NPA sa aking nasasakupan na sumuko na at bigyan daan ang kapayapaan. Ako’y nagagalak at natutuwa sa pagsuko nila Victor at Karen upang magkaroon sila ng panibagong buhay at magsimulang muli bilang bagong kasal”, ayon kay Mortela.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/army-at-plgu-ilocos-sur-binigyan-ng-disenteng-kasal-ang-dating-npa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.